Isabel Rivas sa 7 taon ni Dennis Roldan sa kulungan: Ang kaso niya ay purong intriga!

By Julie Bonifacio October 15,2018
share this

Isabel Rivas sa 7 taon ni Dennis Roldan sa kulungan: Ang kaso niya ay purong intriga!

By Julie Bonifacio October 15,2018
share this

DOBLENG excitement ang napi-feel ng maganda pa ring aktres na si Isabel Rivas sa muli niyang pag-arte via ABS-CBN’s new drama series na Los Bastardos.
Huling napanood si Isabel sa Kapamilya serye na Guns And Roses nina Robin Padilla, Bea Alonzo and Diether Ocampo noong 2011.
Makakasama niya kasi sa unang pagkakataon ang kanyang pamangkin na si Marco Gumabao na isa sa mga bidang lalaki sa Los Bastardos na magsisimula na ngayong hapon pagkatapos ng Kadenang Ginto.
Seven years natigil sa pag-arte si Isabel at maligayang nanirahan sa Amerika kapiling ang Italian businessman husband niya na si Richard Vella.
Ayon sa aktres nagbibigay siya ng support ‘di lang kay Marco kundi sa iba pa niyang pamangkin na mga anak ng kapatid niyang si Dennis Roldan (na nasa loob pa rin ng piitan hanggang ngayon) gaya ng reigning Bb. Pilipinas-Globe na si Michelle Gumabao.
Makikipag-compete si Michelle sa Albania para sa Miss Globe 2018. Kaya binigyan ng baon ni Isabel si Michelle bago umalis patungong Albania last Tuesday. Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Isabel na makakalaya rin si Dennis.
“There’s no such thing as walang pag-asa. Habang may buhay, may pag-asa. Nag-appeal tayo. Kaya lang maraming ano, maraming galit. Maraming intriga. Ang kaso naman ni Dennis is purely intriga, e. Alam n’yo ‘yon?” lahad ni Isabel.
More or less seven years na raw nakakulong si Dennis at sa tingin niya marami nang ipinagdusa ang kapatid, “Okey, ipagpalagay natin, sige, hindi na ako magpapakaplastik napasama siya roon. Pero definitely, hindi siya ang utak. Hindi naman ginagawa sa pamilya namin ‘yun, e. Wala namang tao ang hindi sumasabit. ‘Yun lang nga, may pangalan siya kaya siya ang ano, pero hindi ako naniniwala,” dagdag niya.
Lima lahat ang anak ni Dennis. Ga-graduate sa Sabado ang bunsong anak na si Margarita. Beauty queen naman si Michelle at may bagong teleserye si Marco.
“Yung dalawa nasa States na. Nakatira sila sa isang sister namin. ‘Yung isa si Katrina, ‘di ba siya ‘yung Plus Size model sa States? Oo, siya ‘yun. ‘Yung isa naman nakapag-asawa ng Italian chef. They live in San Francisco,” kuwento niya.
Si Marco ang naging daan sa pagkasama niya sa Los Bastardos, “Sa totoo lang, na-miss ko talaga (ang showbiz). Na-miss ko ‘yung acting, ‘yung taping, lahat. Although matagal ko nang nami-miss kaya lang ‘yung timing, e. Minsan may dadating na offer, paalis na ako.”
Hindi siya pwedeng mag-stay sa Pilipinas nang matagal dahil green card holder si Isabel. Nasa US daw siya nu’ng tawagan siya ng creative staff from Direk Ruel Bayani’s Business Unit at nagandahan siya sa role niya bilang si Alpha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending