Uson lalamunin ang salita sa pagtakbong partylist representative-solon

By Leifbilly Begas October 12,2018
share this

Uson lalamunin ang salita sa pagtakbong partylist representative-solon

By Leifbilly Begas October 12,2018
share this

LALAMUNIN umano ng sexy star at blogger na si Mocha Uson ang kanyang sinabi laban sa partylist system kung tatakbo ito bilang representante ng isang partylist group.

Ayon kay ACT Rep. France Castro dati ay nanawagan si Uson na buwagin na ang partylist system.

“Kung magpa-Party-List siya, parang kinain na niya or nilamon niya yung kanyang mga pinagsasasabi against the Party-List [system] kasi nga sinabi niya noon na walang kwenta ang Party-List, dapat buwagan na yan,” ani Castro.

Sinabi ni Uson na tatakbo siya sa 2019 elections matapos niyang magbitiw bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office.

Napabalita na si Uson ay kakatawan sa isang partylist group na may kaugnayan sa overseas Filipino workers.

Maraming partylist group ay iniuugnay sa komunistang grupo na binabatikos ni Pangulong Duterte.

Pahayag naman ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus kay Uson: “Good luck na lang sa kanya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending