Law enforcer dapat ‘berdugo’ sa kalye | Bandera

Law enforcer dapat ‘berdugo’ sa kalye

Ira Panganiban - October 12, 2018 - 12:10 AM

NITONG nakaraang Martes ay napanood ko sa Facebook page ng MMDA kung paano magdahilan ang mga Pilipino na ginagamit ang lansangan bilang lugar ng kanilang negosyo.

Sa video ay makikita na binabaklas ang isang tindahan na nasa kalye at sakop na rin ang sidewalk.

Ang masakit nito, makatlong beses na sinisita ng MMDA ang naturang street vendor at ilang beses na rin siyang pinagbigyan.

Subalit nang mapuno na ang kinatawan ng MMDA at kinumpiska ang mga tinda at estante, ang may-ari pa ng ilegal na tindahan ang nagalit at nagbanta ng demanda.

Ito ang nakakalungkot na sitwasyon ng law enforcement sa bansa ngayon.
Dahil hindi pinatutupad ang batas noong araw, nasanay tuloy ang mga sidewalk
vendors na ito sa maling gawain. Gawain na akala nila ay tama.

At kapag sinubukan ipatupad ang batas nang totohanan, sisimulan nila sa paawa at pagkatapos ay mauuwi naman sa away at takutan.

Nakakalungkot pa panoorin na halos walang magawa ang mga otoridad natin dahil sila mismo ay nawalan ng tapang ipatupad ang batas sa takot na mademanda ng human rights violation.

Subalit nasaan ang violation sa pagpapatupad ng batas? Madalas, ang mga enforcer pa ang nasasaktan at walang magawa.

Tila nasobrahan na sa human rights ang mga pasaway na Pilipino kaya magulo ang ating mundo. Nawalan na rin ng tapang ang law enforcement kaya patuloy ang tila anarkiya sa lansangan.

Tama ang sinabi ni MMDA Chairman Danny Lim — hindi dahil nakasanayan na natin ang mali ay naging tama na ito.

Siguro oras na para muling maging berdugo ang mga enforcer sa lansangan, para lang kahit papaano ay umayos tayo sa trapiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon ay sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending