Direk Paul kay Toni: My first love is my wife, I knew she was my last!

By Reggee Bonoan October 12,2018
share this

Direk Paul kay Toni: My first love is my wife, I knew she was my last!

By Reggee Bonoan October 12,2018
share this

TONI GONZAGA AT PAUL SORIANO

ANG asawang si Toni Gonzaga pala ang “first love” ni Direk Paul Soriano kahit na nagkaroon na siya nang ibang karelasyon noong kabataan niya.

Ito ang ipinagtapat ng direktor sa ginanap na media day ng pelikulang “First Love” nina Aga Muhlach, Bea Alonzo, Albie Casino, Sandy Andolong at Edward Barber nitong Lunes. Tinanong ang poging direktor kung bakit ito ang napili niyang titulo sa bago niyang movie at ano ang ibig sabihin ng first love sa kanya.

“When you have a first love, you’re always hope it’s your last. And when you have your last, you’re always treat like it’s your first, that’s what my writer said and I think, when you watch the film and you see and you go on this journey with Nick (Aga) and Ali (Bea), you will really understand what first love is.

And when you leave the cinema, well, I hope you all have the definition and know your first love and for everyone it’s gonna be different.

“For me yes, my first love is my wife! Because it’s the moment I knew she was my last, I’ve said I do and spend the rest of my life with you,” paliwanag ni direk Paul.

Halos lahat ng nasa presscon ay iisa ang nasa isip, ang suwerte ni Toni dahil bukod sa guwapo na ay ang sweet pa ng napangasawa niya. Actually, suwerte rin si direk Paul dahil siya rin ang first and last love ng nanay ni Seve.

Halos lahat ng presscon ng pelikula ni direk Paul ay nadaluhan namin pero ngayon lang namin siya narinig magsalita nang ganito, sobrang sweet pala niya at halatang in-love habang sinu-shoot ang pelikulang “First Love.”

Samantala, hindi kaila na halos lahat ng pelikula ni direk Paul ay medyo kinapos sa box-office, pero kung pagbabatayan ang awards ay walang duda na puno na ang lagayan niya ng tropeo sa bahay nila.

Tulad nga ng sinabi ni direk Paul sa simula bago niya sagutin kung ano ang ibig sabihin ng first love ay inamin niyang ito ang pinakamalaki niyang pelikula at hoping na mapanood ito ng mas maraming tao (para kumita).

Going back to direk Paul, kaya raw sina Aga at Bea ang napili niyang bumida sa “First Love”, “It all started sa dream ko to work with Aga Muhlach, it’s been my dream eversince. The first Filipino film I saw was ‘Hotshots’ (1984) which is directed by my father (Jeric Soriano), I was like 5 or 6 years old then.

“Ever since growing up, I always have this dream of wanted to work with Aga, you don’t just work with Aga Muhlach, you can have to earn your right to work with him.

“Yes, seriously, the friendship that we had being family friends, into now working relationship and I’m just so happy that it’s finally here, the opportunity to work with him.

“I’m sure Aga has also a lot to say about this, when I went to his home after several attempts, many pitches to Aga. What’s great about him is he tells you something and he’s very honest about it, ‘Paul I wanna work with you, but let’s find the right story.’

“So it took me several pitches and finally, one afternoon, I went to his home, I brought my presentation, but before anything, Aga told me, ‘I wanna work with Bea Alonzo.’

“When I brought my presentation and printed out, I had Bea’s photo and I also want to tell him that this is an Aga-Bea film, so it’s really safe to say that my dream of working with Aga Muhlach only came true when Bea said yes to the project and I was very thankful to Bea for making may dream come true. Literally, the stars aligned for this project, it’s magic,” aniya pa.

Oo nga, magic nga ang tingin ng mga nakapanood sa magandang trailer ng “First Love” kaya alam mo na bossing Ervin, tiyak na hanggang tenga na naman ang ngiti ng mga taga- ABS CBN Films (Star Cinema), Viva Films at Ten17 Productions sa mahabang pila sa lahat ng sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending