Paul Soriano umamin: 6 years old pa lang idol na si Aga | Bandera

Paul Soriano umamin: 6 years old pa lang idol na si Aga

Ambet Nabus |October 11,2018
facebook
share this

Paul Soriano umamin: 6 years old pa lang idol na si Aga

Ambet Nabus - October 11, 2018 - 12:55 AM

AGA MUHLACH AT PAUL SORIANO

MASAYA at masigla si Bea Alonzo nang humarap sa entertainment media para sa presscon ng pelikulang “First Love” opposite Aga Muhlach.

Sa tagal na rin nating nakakausap at nakakasama si Bea, never pa itong humarap sa mga press kapag may kinasasangkutan siyang isyu. Meron siyang way para umiwas, lalo na kapag tungkol na sa lovelife.

But during the presscon of “First Love”, napakakikay ng dalaga at panay ang bangka sa kuwentuhan, lalo na sa team up nila ni Aga.

Nagsimula at natapos nga raw ang movie pero hindi pa rin niya alam kung ano talaga ang itatawag sa dating sikat na sikat na matinee idol na nakalakihan niya ang mga pelikula.

“From Kuya, to Doc Aga, to Mr. Aga, Mr. Muchlach, ang dami kong tawag ko sa kanya. Wala talagang permanente,” natatawa pang tsika ng aktres.

Pero super proud nga siya na finally ay nakatrabaho rin niya si Aga, “Dream come true po ito sa akin. Kung sinasabi niyang dream come true na makasama ako, mas ako siguro ang dapat magsabi ng ganu’n.
“Aga is Aga. Iba si Doc Aga. He is a very generous actor. Marami akong natutunan sa kanya at talagang isasama ko ito as among my best works,” sey pa ni Bea.

Inamin naman ng direktor ng movie na si Paul Soriano na six-year-old pa lang siya nang maging idol niya ang aktor, “It was this movie called ‘Hotshots’ which my dad has directed that made me an Aga Muhlach fan. Since then, I promised myself that I am going to direct him in a movie too. And it happened after more than two decades.”

Naikuwento ni direk Paul na malaking bagay na umoo si Bea kaya natuloy din ang pangarap niyang movie with Aga.

Sa Canada pa kinunan ang karamihan sa mga eksena ng pelikula kung saan kasali rin sina Edward Barber, Albie Casino at Sandy Andolong. Mula ito sa Star Cinema, showing na sa Oct. 17.

 

Mismong si direk Paul Soriano ang naglinaw ng isyu na inisnab daw ng asawang si Toni Gonzaga ang ABS-CBN Ball kamakailan.

Ayon sa guwapong direktor, may nauna na silang plano para sa nag-birthday nilang anak na si Seve. Nataon daw na pumatak din sa mismong kaarawan ng bagets.

“Nothing serious or no truth to pang-iisnab or what,” sey nito na aminadong sobra nilang ini-enjoy ngayon ang kanilang family life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ni Direk hindi pa nila pinag-uusapan ni Toni ang pagkakaroon ng second baby, “So far everything is in order. Happiness is in every corner of our family.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending