Gabbi Garcia mabenta sa ibang bansa bilang endorser
Walang dudang certified global endorser ang Kapuso artist na si Gabbi Garcia. Bentang-benta kasi ang kanyang Pinay beauty kaya kaliwa’t kanan ang gustong kumuha sa kanya para maging mukha ng mga produkto.
Matapos kunin na endorser ng isang international brand ng shampoo, nag-aabang ngayon kay Gabbi ang sikat na brand ng softdrink at kumpanya ng gadgets, huh!
Sa totoo lang, hindi lang foreign brands ang gustong kumuha sa ex-loveteam ni Ruru Madrid dahil pati local brands eh, abangers na sa availability niya.
Pagdating naman sa kanyang showbiz career, kabilang si Gabbi sa Kapuso family dramedy na Pamilya Roces at sa magsisimula ng muscical-variety show na Studio 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.