Kim inatake ng matinding nerbiyos dahil sa mmff, nag-alay ng dasal kay Padre Pio
PINASALAMATAN ni Kim Chui si Lord at si Padre Pio nang opisyal na mapili ang Regal movie niyang “One Great Love” sa final 4 entries para sa Metro Manila Film Festival 2018.
Sa pahayag ng Chinita Princess sa kanyang Instagram bago ihayag ang natitirang entries last Tuesday, ibinahagi niya ang nararamdaman niya bago at pagkatapos ng announcement.
“Maraming salamat po!!! Thank you Papa God, thank you Padre Pio!!!
“The past few months I was so nervous kung makakapasok kami o hindi. I took the risk on this film and I’m grateful we made it to the cut!!!
“Maraming salamat @regalfilms50 thank you@rosellemonteverde @motherlilymonteverde and direk @eric_quizon this is it!!! Maligayang pasko po sa ating lahat. Maligayang Pasko sa ating #OneGreatLove,” caption ng aktres.
Nagbubunyi naman ang fans ni Kim sa pagkakapili ng movie ng kanilang idol, sugod agad sila sa Twitter at party-party kaya naman trending topic ang hashtag na #OneGreatLove.
Sa movie na idinirek ni Eric Quizon, makikipagsabayan sa pag-arte si Kim sa leading men niyang sina Dennis Trillo at JC de Vera.
Samantala, inilabas naman ni Aiko Melendez ang kasiyahan niya sa Facebook sa pagkakapili rin ng kinabibilangang movie na “Rainbow Sunset” na isa rin sa official entres.
Mula ito sa Heaven’s Best Entertainment na pinamunuan ni Harlene Bautista. Kasama niya sa family drama sina Gloria Romero, Tony Mabesa at Eddie Garcia. Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.