Bwelta ni Regine sa basher: Kung ginagamit man ako ng asawa ko, ano naman ang pakialam mo?!

By Ervin Santiago October 11,2018
share this

Bwelta ni Regine sa basher: Kung ginagamit man ako ng asawa ko, ano naman ang pakialam mo?!

By Ervin Santiago October 11,2018
share this

OGIE ALCASID AT REGINE VELASQUEZ

Binuweltahan ni Regine Velasquez ang netizen na nam-bash sa kanyang asawang si Ogie Alcasid.

Inakusahan kasi ng hater ang singer-comedian na ginagamit lang si Regine.

Komento ng basher (@mibadoora) sa photo nina Ogie at Regine sa Instagram, “Dahil walang career sa ABS at judge lang sa TNT kinaray ang asawa nya sa ABS para lahat ng project ni Regine kasama sya!

“Sobra sobrang pangagamit mo na kay Regine. Lahat ng shows mo kasama si Regine para lang kumita!

Ngayon, isasama mo sya sa ABS para walang choice ang network kundi bigyan ka ng trabaho!

“KAPAL NG MUKHA ng PANDAK na to!”

Ang tanging sagot lang ni Ogie sa kanya ay, “God bless you.”

Narito naman ang resbak ng Songbird, “Gusto ko lang malaman ano po ba ginawa ng asawa ko sa inyo?

Bakit galit na galit kayo sa kanya?

“Hindi po ako ginagamit ng asawa ko at kung ginagamit man nya ako EH ANO NAMAN ANG PAKIALAM MO DUN!!!!!!!”

Ipinagtanggol din ni Megastar Sharon Cuneta sina Regine at Ogie, “Mas nakakatawa naman na mag-asawa kayo tapos di kayo nagtutulungan. Mas pangit yata kung iba ang kailangan niyo pang gamitin when you love and are there for each other!

“Nakakaloka at nakakasakit ng kalooban talaga ang ibang tao! NAPAKARAMING NAGMAMAHAL SA INYO AT KAY NATE PATI SA PAMILYA NI MICHELLE AT SINA SARA AND LEILA.

“They can talk all they want pero hindi kayo mabubuwag! Jusko nagpalpitate ako! Napakataas ng RESPETO NAMIN KAY OGIE AT SA YO REGINE!!!

“Mas marami di hamak ang nagmamahal sa inyo! ANO NA DARNA?! Nasa yo pa costume mo? Eh teka papagawa pa ko ng bago. Text kita agad tapos sabay tayo sisigaw DARNA! Tignan ko lang! Hahaha! Love you so much!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending