Iba't ibang paraan ng pagtawag sa Diyos sa 'Sina Dasal' | Bandera

Iba’t ibang paraan ng pagtawag sa Diyos sa ‘Sina Dasal’

Cristy Fermin - October 09, 2018 - 12:30 AM

GARIE CONCEPCION

Sa Miyerkules nang hapon (bukas) ay may pinaglalaanan na kami ng panahon nina Wendell Alvarez, Tina Roa at Japs Gersin. Gagawin naming makabuluhan ang aming oras, panonoorin namin ang stageplay na “Sina Dasal,” sa PETA Theater.

Ang “Sina Dasal” ay isang dulang-pang-entablado na ang kabuuang nilalaman at iniikutan ay ang iba’t ibang paraan kung paano magparating ng kanilang saloobin sa Panginoon ang nagdarasal.

May nagdarasal na galit na galit, may nagsusumamo, may nagpaparating sa Diyos ng kanyang pagkamuhi sa taong nangtraydor sa kanyang pagtitiwala.

At marami pang ibang emosyon na itatawid ng magagaling na aktor ng entablado na sina Garie Concepcion, Joshua Zamora, Bianca Lapus at marami pang ibang mahuhusay na artista.

Ang “Sina Dasal” ay mula sa Hiraya Theatre Production na nakatanggap ng pinakamataas na parangal sa hanay ng mga dulang-pang-entablado mula sa GEMS na pinamumunuan ni Teacher Norman Llaguno.
Mula sa pamamahala ni Direk Chaps Manansala, ngayon pa lang ay gusto na naming maranasan ang naganap sa ating mga kababayang nakapanood na ng “Sina Dasal,” gusto rin naming personal na maramdaman ang kilabot habang pinanonood ang mga aktor sa stageplay.

Ang “Sina Dasal” ay mapapanood bukas, October 10, sa PETA Theater. Tatlong sultada ang pagtatanghal, may pang-ala una nang hapon, alas kuwatro at alas siyete nang gabi.

Iisang Diyos lang ang ating sinasamba, pero ang pagtatawid ng ating hiling at emosyon ay magkakaiba, ‘yun ang aabangan namin sa panonood sa “Sina Dasal” ng Hiraya Theater Production.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending