Bakit ba pinalitan ni Luis ang screen name ng Adrian Alandy? | Bandera

Bakit ba pinalitan ni Luis ang screen name ng Adrian Alandy?

Reggee Bonoan - October 07, 2018 - 12:20 AM

ADRIAN ALANDY

Itinapat ni Luis Alandy sa kanyang ika-20 taon sa showbiz ang pagpapalit ng kanyang screen name to Adrian Alandy. Katwiran ng aktor ay pangalan ng lolo niya ang Luis at gusto na niyang gamitin ang tunay niyang pangalan.

“Adrian Luis is my real name, kasi ‘yung Luis Alandy talaga is the name of my grandfather, actually three of my relatives were using Luis Alandy. Just wanna make my parents proud sa real name na ibinigay nila sa akin,” bungad na kuwento ng isa sa leading man sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Kadenang Ginto na magsisimula na sa Lunes.

Dagdag pa ni Adrian, “Matagal ko na itong sinabi kay sir Noel (Ferrer, manager niya) na on my 20th year in the business, don’t you think na it’s a new beginning for me? And then nu’ng ginamit ko na ‘yung Adrian, nagsunud-sunod na ‘yung magagandang opportunities sa akin.

“Simula ng ‘Citizen Jake’, nakagawa ako ng projects na I can really be proud of. Tapos ngayon nabigyan pa ako ng lead (role). Last time with ABS-CBN was Sa Dulo Ng Walang Hanggan (2001-2003) ‘yung kay Claudine (Barretto),” saad ng aktor.

Hindi naman daw bago sa aktor ang mga makakasama niya sa Kadenang Ginto dahil si Dimples Romana ay nakasama na niya sa The Greatest Love, si Albert Martinez naman ay matagal na niyang kakilala dahil ang namayapang asawa nitong si Liezel ay second cousin niya.

“Pero si Beauty (Gonzales) first time. Si Francine (Diaz) nakasama ko na sa Ipaglaban Mo. Si Andrea (Brillantes) first time ko ring maka-work. Ang galing niya sa Dalawang Mrs. Reyes,” saad ni Adrian.

Samantala, kailan lang ikinasal si Adrian at ini-enjoy pa lang nila ang buhay mag-asawa, “Planning palang to have a baby, pero busy kasi she’s working tapos ako taping almost everyday.”

Mapapanood na ang Kadenang Ginto sa Kapamilya Gold simula sa Lunes mula sa Dreamscape Entertainment sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending