Mystica nakabili agad ng van dahil sa Probinsyano | Bandera

Mystica nakabili agad ng van dahil sa Probinsyano

Bandera - October 06, 2018 - 12:10 AM

COCO MARTIN AT MYSTICA

NAKABILI agad ng bagong sasakyan ang singer-actress na si Mystica matapos matanggap ang kanyang talent fee sa ilang araw na paglabas sa seryeng Ang Probinsyano.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Mystica ang litrato ng bago raw niyang investment, ang bagong van na nabili raw niya sa halagang P1.2 million.

Aniya, “Katas ng Ang Probinsyano by Coco Martin! This is my 1.2 (P1,200,000) first investment from my sweat, blood and tears sa aking pagbabalik sa showbiz! Thanks to Ang Probinsyano most especially to direk Coco Martin for giving me the opportunity to getback on my feet again.”

Kung matatandaan, nakiusap ang singer kay Coco sa isang panayam na bigyan din sana siya ng pagkakataon na makalabas sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN tulad ng ibang artista na matagal nang wala sa eksena pero nabuhay ang career dahil sa nasabing serye.

“Sana naman po ay bigyan ako ng pagkakataon, kasi yun na lang po ang natatanging kayamanan ko, yung talent ko.

“Hindi na po importante, kung ano yung mga negative comments ng tao sa akin, dahil ang kailangan ko nalang po ngayon ay ‘yung ipakita na hangga’t nabubuhay po ako, hangga’t kaya ko pang bumalik sa showbiz,” ang sabi ni Mystica sa nasabing panayam.

Marami naman ang natuwa sa muling pagbangon ni Mystica at sana raw ay huwag na niyang sayangin ang chance na ibinigay sa kanya ni Coco. Isa nga sa mga nag-comment sa FB status ng tinaguriang noong Split Queen ang kanyang anak na si Prince Villanueva.

Aniya, “Ang sarap makita na nakabangon ka uli mom. God is good. Keep it up. Stay humble na para continues po ang blessing.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending