2 sexy female stars tinuhog ng mayamang politiko | Bandera

2 sexy female stars tinuhog ng mayamang politiko

Ambet Nabus |October 04,2018
facebook
share this

2 sexy female stars tinuhog ng mayamang politiko

Ambet Nabus - October 04, 2018 - 12:15 AM


DAHIL bawal ngang isama ang mga non-showbiz partner ng mga celebrities na dumalo sa ABS-CBN Ball, nagkasya na lang daw sa paghihintay sa inupahang room sa Shangri-La Hotel ang mga dyowa ng ilang Kapamilya female stars.

Meron pa ngang Friday pa lang ay doon na nag-stay habang meron namang bitbit umano ang buong “glam team” para masigurong pag-uusapan sila sa pagrampa.

As reported, super successful ang naturang event, pero nakakaloka ang tsismis na dalawa umano sa mga pretty and sexy celebrities na rumampa sa event ay tila nag-share pala sa iisang BF?

Yes, ayon sa aming katsismisan, hindi pa pala break at nasa “cooling off” period lamang ang relasyon nina sexy actress A at kilalang businessman-politician. Pero ang tsika, ang isang equally beautiful and sexy young actress B diumano ang kasama nito sa kinuhang suite sa sosyal na hotel?

Kapwa “escortless” na rumampa ang dalawang magagandang aktres na pinag-usapan nga sa party. At isa nga sa kanila ang nagwagi dahil ito ang hinintay ni businessman-politician sa kanyang suite.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending