Elmo, Janella hiwalay na, Jenine tagumpay

By Cristy Fermin October 04,2018
share this

Elmo, Janella hiwalay na, Jenine tagumpay

By Cristy Fermin October 04,2018
share this


NAGLALARO  ang utak ngayon ng marami tungkol sa kontrobersiyal na paghihiwalay nina Elmo Magalona at Janella Salvador. Malaking bentahe ng young actress sa laban ang pagbabalik niya sa poder ng kanyang inang si Jenine Desiderio.

Kapag ang dating magkaaway nga naman ay nagkapit-kamay ay siguradong dalawa na silang kalaban ngayon ni Elmo. Kung anu-anong posts na ang ginagawa ni Jenine pero tahimik lang ang binata.

Nagtataka ang marami kung bakit ang palabang ina ni Elmo, si Pia Magalona, ay nananatiling tahimik lang sa lahat ng pangyayaring ito. Bakit hindi man lang daw binabalanse ni Pia ang mga bira ni Jenine para maipagtanggol naman ang kanyang anak?

Tuloy ay pinaniwalaan na agad ng mga sumusubaybay sa kontrobersiya ang pinalabas na kuwento ng ina ni Janella na ihinulog nga ni Elmo sa van ang dalaga kaya nakipag-break sa kanya.

Pero hindi rin libre si Jenine Desiderio sa pamba-bash ng mga tagasuporta ni Elmo, sa kanya ibinabalik ng mga ito ang sisi, dahil dati raw ay mismong ito pa ang naglalabas ng baho ng kanyang anak sa publiko sa halip na mag-usap na lang silang mag-ina.

Wala pang pahayag ang dating magkarelasyon sa kanilang pahihiwalay. Si Jenine Desiderio lang ang may sinasabi palagi laban kay Elmo.

At kung sino ang kumukuda ang palaging nalalagay sa alanganin. Kung sino ang gumigitna ang nasasagasaan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending