Loan restructuring ng SSS tuloy hanggang Abril 2019 | Bandera

Loan restructuring ng SSS tuloy hanggang Abril 2019

Liza Soriano - October 03, 2018 - 12:10 AM

INANUNSYO ng Social Security System (SSS) na ipagpapatuloy ang Loan Restructuring Program (LRP) with penalty condonation ng anim na buwan pa o hanggang Abril 1, 2019.

Ito ang pangalawang Loan Restructuring Program with penalty condonation na ipagpapatuloy pa ng karagdagang anim na buwan upang matulungan pa ang mga miyembro na may utang pa SSS.

Isa ang LRP sa paraan upang magbigay tulong sa mga miyembro na hindi nakabayad sa tamang oras sa kanilang mga utang sa SSS.

Inilunsad ng SSS ang LRP with condonation program noong Abril 2 at nakakolekta ng mahigit P2 bilyon kita mula sa 300,000 miyembrong nakinabang dito sa unang limang buwan ng implementasyon.

Mula Abril 2 hanggang Agosto 31, na-condone ng SSS ang halos P4.3 bilyong multa na nagresulta sa restructured loan na umabot sa P4.9 bilyon.

Hinihikayat naman ang mga miyembro na mag-file agad ng kanilang aplikasyon para sa LRP at huwag nang maghintay pa ng deadline sa susunod na taon.

Gusto ko lang linawin na babayaran pa rin ng interes ng mga inutang sa SSS at tanging multa lamang ang tatanggalin kapag nag-avail sila ng LRP.

Para makwalipika sa LRP, kinakailangan na nakatira o nagtatrabaho ang miyembro sa kahit saang mga lugar ng kalamidad na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) o ng national government. Kinakailangan din na ang short-term loan ay overdue na ng hindi bababa sa anim na buwan.

Kinakailangan na ang mga aplikante ng LRP ay magdala ng nasagutan na form ng LRP at IDs. Para sa mga nais mag-apply ngunit wala sa bansa, kailangan lang na may Letter of Authority (LOA) ang kanyang kinatawan.

Maaaring bayaran ng mga miyembro ang kanilang overdue loan sa loob ng 30 araw na walang dagdag na interes, o mag-apply para sa installment payment term na maaaring bayaran sa loob ng limang taon na may tatlong porsyentong interes kada taon.

SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending