Ilang misis nakaka-relate kay Gelli sa Ika-5 Utos
Isa sa paboritong karakter ng mga Kapuso viewers si Kelly na ginagampanan ni Gelli de Belen sa GMA Afternoon Prime series na Ika-5 Utos.
True friend talaga kasi ito kay Eloisa (Jean Garcia). Marami raw kasi ang nakaka-relate sa role ni Gelli kaya naman puro magagandang feedback ang natatanggap niya mula sa netizens at sa mga misis.
Siya ang nagbalita kay Eloisa na nasaksihan niya ang pagkikita nina Clarisse (Valerie Concepcion) at Emil (Tonton Gutierrez) sa isang kainan kasama ang kanilang mga anak.
Ano kaya ang ibig sabihin nito? Mabubuo na ba ulit ang pamilya nina Clarisse? Paano naman si Eloisa? ‘Yan ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng Ika-5 Utos sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga! – EAS
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.