Wala pang warrant of arrest vs Trillanes; pagdinig itinakda sa Oktubre 5
WALA munang pag-aresto laban kay Sen. Antonio Trillanes matapos namang ipagpaliban ng korte ang paglalabas ng warrant of arrest at itinakda ang pagdinig sa isyu sa Oktubre 5.
Nagdesisyon si Presiding Judge Andres Soriano ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 kahapon na magsagawa muna ng pagdinig sa kasong coup d’etat ni Trillanes.
“The honorable justice has chosen to hear the parties,” sabi ng abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles.
Bagamat nakapagpiyansa ng P200,000 sa kasong rebelyon sa Makati RTC Branch 150, nahaharap pa rin si Trillanes sa posibleng pagkakakulong sa harap naman ng kasong coup d’etat na walang piyansang inirerekomenda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.