ANG matagal ng hinihintay ng marami , lalo na sa daigdig ng weightlifting ay nangyari na.
Hindi ito ang isang gintong medalya sa Olympics dahil sa 2020 Tokyo Olympiad pa maaring mangyari iyon.
Ang ibig kong sabihin na nangyari na ay nagsalita na si 2016 Olympics silver medalist at Asian Games gold medal winner Hidilyn Diaz tungkol sa sitwasyon sa weightlifting, isa sa ilang national sports association (NSA ) na may leadership problem.
Medyo matindi ang mga binitawan niyang salita sa isang sulat na pinadala niya kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Butch Ramirez.
Unang una syempre nagpasalamat siya sa suporta sa kanya ng PSC, at the same time, sinabi niya na ang Philippine Weightlifting Association (PWA) ang kinikilala niyang NSA, na siyang kinikilala rin ng Philippine Olympic Committee (POC).
Di nga ba si Monico Puentebella ay nagtatag din ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) noong 2016 at siya ang tumatayong presidente ng SWP.
Dahil dito ay naiipit, naaapektuhan at nahahati ang mga atleta.
Ipinaliwanag ni Hidilyn ang kanyang posisyon sa nangyayaring kaguluhan sa kanyang sport.
Ito ang kanyang sinabi: “It is depressing how a sports leader use weightlifting without promoting and expanding our sports, without a strategic plan, without a long term program for the athletes, and without integrity. Mr. Monico Puentebella is creating further misfortune to our sport instead of upholding unity and peace should he really have/had/has the heart for weightlifting in the country. He must voluntarily do what is RIGHT ! He must undergo election process if he really wants to be the President.”
Frustrating daw ito para sa kanya. At kahit after na manalo siya ng silver sa Rio Olympics ay hindi pa rin naresolba ang problema sa weightlifting.
Aniya, sa 16 years niya sa weightlifting, nakita niya kung paano patakbuhin ang sport ng ilang mga officials na walang “plano” para sa sport at sa mga atleta, na instead na ipairal ang merit system ay palakasan daw ang nananaig.
Ang mga decisions daw ay kadalasan based sa hate at revenge.
“They don’t want to see their athletes succeed because they are threatened if the athletes will learn to talk, express, and stand for themselves,” aniya.
Binanggit din ni Hidilyn at kaso ni Rowel Garcia, isang weightlifter na gusto raw tanggalin sa national team dahil sa pagsali nito sa FISU World University Games sa Poland. Pero hindi nga nakasali yung atleta dahil sa issue ng WADA, drugs ito,walang detalye pero ang sinasabi niya, hindi daw alam ni Rowel ang mga patakaran at dapat mga opisyal ang nagtuturo at gumagabay sa mga atleta.
Nangyari rin ito kay Kiefer Ravena na na-suspend dahil sa paggamit niya ng isang bawal na substance na hindi niya alam na bawal pala.
Actually natanong ko rin dati kung bakit nga sa Indonesia Asian Games ay kasama si Monico kung hindi naman recognized ng POC ang SWP ni Monico. Official din daw kasi ng international federation si Monico at yun ang ginamit niya pero kung di recognized ng POC ang isang NSA, di ba hindi rin dapat siya recognized ng international federation?
Just asking.
Anyway, sana ay maglabas ng kasagutan si Monico tungkol dito sa mga sinabi ni Hidilyn at nang malaman ng mga tao ang katotohanan.
Sa Indonesia kasi matapos manalo ni Hidilyn, syempre may kuha silang dalawa ni Monico.
Para kasing si Monico ang responsable sa pagkaka-ginto ni Hidilyn pero hindi ito tugma sa pahayag ni Hidilyn.
Sa akin, ang mahalaga ay nagsasalita na mga atleta tungkol sa mga problema sa kanilang NSA. Sinimulan ito ng mga karatista natin tungkol sa allowance na hindi binigay sa kanila para sa 2016 Rio Olympics.
Si Joey Romasanta naman ang involved doon at di nga ba nagpadala ng representative ang international federation ng karate para magsiyasat dito. Ang findings nila, may problema nga at inalis muna nila ang recognition sa NSA ng karate.
Sana nga ay magtuloy-tuloy na pagkakaroon ng boses ang mga pambansang atleta. Sila ang mga labis na naaapektuhan kaya nararapat lang na sila ay ating pakinggan, protektahan at tulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.