Sanya certified virgin; Derrick tinablan sa mga love scene | Bandera

Sanya certified virgin; Derrick tinablan sa mga love scene

Ervin Santiago - September 28, 2018 - 12:20 AM


NGAYON pa lang ay inaabangan na ang latest offering ng Regal Films na “Wild And Free”, ang first movie together nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez. Sa super hot at nakakakiliting trailer pa lang kasi ng pelikula ay na-curious na ang mga tao.

Sa nakaraang presscon nito ay inamin ni Derrick na napaka-lucky niya sa mga eksena nila ni Sanya.

“Character-wise, naisip ko na ang suwerte ko. And bilang artista, bilang Derrick, sabi ko ang suwerte ko pa rin. Talagang na-appreciate ko lalo si Sanya ngayon kasi, hindi naman dahil nakita ko ‘yung body niya, pero mas na-appreciate ko ‘yung talent niya at dedication niya sa work,” paliwanag ng binata na pinapantasya ngayon ng sangkabaklaan.

Diretsong tanong kay Derrick kung tinablan ba siya sa mga love scene nila ni Sanya, “Sorry ha, pero siyempre meron. Ha-hahaha! Kailangan eh, hindi talaga puwedeng hindi kasi girlfriend mo nga. At some point kailangan talaga.”

Magaling ba sa kama si Sanya? “Siguro si Sanya is really good in bed, or magaling lang talaga siyang artista. Pero I think she is.”

Samantala, inamin naman ni Sanya na sa edad na 22, isa pa rin siyang certified virgin, “Wala pa po akong experience sa ganyan (sex), sa totoo lang.”

Kaya sa paggawa niya ng love scene, “Kailangan you do it with love. That’s exciting, that’s sexy, wild and free.”

Showing na nationwide sa Oct. 10 ang “Wild And Free” sa direksyon ni Connie Macatuno. Kasama rin dito sina Ashley Ortega at Juancho Trivino.

q q q

Speaking of KC Concepcion, isa siya sa mga binigyan ng pagkilala sa ginanap na The Elegant Filipinas 2018. Napabilang ang dalaga sa mga napiling “Elegant Filipina” ng philanthropist na si Tingting Cojuangco.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si KC sa bumubuo ng The Elegant Filipinas 2018, “Thank you Ms. Tingting Cojuangco and those who have placed me on this year’s list of ‘Elegant Filipinas’ inspired to be alongside some of Philippine society’s most beautiful & relevant women of elegance.’ Always proud to be Filipina!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending