P750M jackpot bukas pinakamalaki sa kasaysayan ng Pinoy lotto | Bandera

P750M jackpot bukas pinakamalaki sa kasaysayan ng Pinoy lotto

Leifbilly Begas - September 27, 2018 - 06:49 PM

SA bola bukas ng gabi (Biyernes) ay inaasahang mauungusan na ang pinakamalaking jackpot prize ng lotto sa kasaysayan ng bansa.

Inaasahang lalagpas sa P750 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang pinakamalaking jackpot prize ng lotto sa bansa ay P741 milyon ng Grand Lotto 6/55 na tinamaan ng isang overseas Filipino worker noong Nobyembre 2010. Tumaya ang nanalo sa Olongapo.

Noong Martes, ang jackpot prize ng Ultra Lotto ay umabot sa P734 milyon ang jackpot prize.

Mahirap tamaan ang Ultra Lotto dahil mahigit sa 40.4 milyon ang anim na numerong kombinasyon na maaaring mabuo rito. Nagkakahalaga ng P24 ang taya sa bawat anim na numerong kombinasyon.

Ang halaga na nadaragdag sa jackpot prize ay depende sa dami ng tumaya para sa partikular na bola.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Linggo, Martes at Biyernes.

Wala pang tumatama ng jackpot prize ng Ultra Lotto mula noong Pebrero 18.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending