Sharon, Gabby hindi pa rin pinagtagpo ng tadhana; Sha-Gab fans nabigo na naman | Bandera

Sharon, Gabby hindi pa rin pinagtagpo ng tadhana; Sha-Gab fans nabigo na naman

Ambet Nabus - September 27, 2018 - 12:30 AM

GABBY CONCEPCION AT SHARON CUNETA

BONGGA talaga ang 11th year ng Gabay Guro last Sunday na ginanap sa MOA Arena.

Abang na abang ang lahat sa mga celebrities na may kanya-kanyang emote sa buhay at career nila, na nataong ang ilan ay may personal attachment pa.

Anibersaryo pala ng kasal nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion last Sept. 23, but it will forever be a date for now dahil annulled na sila at may kanya-kanya na ring pamilya. Inakala ng lahat na magkikita o magkakasama man lang sila on one stage, but it did not happen. Hindi

At dahil magkakatabi lang ang mga dressing room namin, super in and out ang drama ng inyong lingkod just to catch sana some juicy items about them pero waley talaga. Ha-hahahaha!

We were in the same dressing room with Edu Manzano and Pops Fernandez, habang katabi naman namin ang room nina Regine Velasquez at Sharon Cuneta. After theirs, yung room naman nina Gary and Kiana Valenciano, bago yung mas malaking room para kina Randy Santiago, Basil Valdez, Ogie Alcasid, Martin Nievera at Gabby.

Kung hindi nagkita sina Gabby at Sharon, pinuntahan naman ni Martin si Pops at nagkumustahan sila. Ilan lang iyan sa mga behind the scenes na na-observe ng inyong lingkod last Sunday.

q q q

Grabeng kantiyawan naman kami nina Papa Doods at direk Randy nu’ng magkasabay-sabay kami sa hallway papuntang stage.

Inulit ko kay Edu yung sinabi namin sa kanyang isa siya sa nagpapataas ng aming blood pressure gabi-gabi sa Ang Probinsyano dahil sa role niya bilang si Vice-President Lucas.

Kasuklam-suklam talaga ang husay ng portrayal niya na siyempre pa’y nagamit niya during his hosting time sa Gabay Guro.

Sobrang riot nga yung eksenang sinabi niya sa mga teacher na dahil Presidente na siya sa Ang Probinsyano, papalitan niya umano ang lahat ng Secretaries including that of Department of Education at itataas lalo ang suweldo ng mga teacher. Eh, nandu’n sa audience si Sec. Leonor Briones kaya’t umaatikabong kantiyawan ang inabot ng spiel ni papa Doods.

With direk Randy, thankful naman siya sa renewed interest sa kanya ng audience. Akala raw niya ay hanggang mga directorial tsu-tsu na lang siya, pero after daw niyang mapasali sa Tawag Ng Tanghalan as hurado, “Ay may karir pa pala ako,” sey nito.

Sa katunayan nga raw ay mukhang mas mapupuno this Christmas season ang iskedyul niya sa dami ng mga inquiries sa kanya to perform. Pero mas bilib daw siya sa utol niyang si direk Rowell na siyang Presidente sa Ang Probinsyano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey nito, “Hala, ako never kong nagawa yung mga ganu’ng action scenes. Si Rowell, may sakay-sakay sa motor, chasing scene, talon, takbo at nakikipagbarilan tapos may drama pa. Kahit sa movies niya noon hindi niya nagawa yun. Siya ang mas bongga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending