PNP Custodial Center sa Camp Crame handa na para kay Trillanes | Bandera

PNP Custodial Center sa Camp Crame handa na para kay Trillanes

- September 26, 2018 - 04:51 PM

NAKAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame para sa posibleng detensyon ni Sen. Antonio Trillanes IV, ayon kay Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana.

“Alam niyo napakasipag at snappy iyong ating camp commander, si General Philipps, I’m sure he is always ready, depende sa korte kung sino man ang i-commit dyan sa Custodial Center,” sabi ni Durana.

Hindi naman kinumpirma ni Durana, kung ilalagay sa kostudiya ng PNP si Trillanes.

Tiniyak naman niya na nakahanda ang PNP na ipatupad ang kautusan ng korte.

“Hindi rin kami makaayaw kung iyan ay kautusan ng korte,” idinagdag ni Durana.

Nagpalabas ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ng arrest warrant laban kay Trillanes kaugnay ng kasong rebelyon.

Nagpiyansa si Trillanes ng P200,000.

Inaabangan naman ang magiging aksyon ng Makati RTC Branch 148 kaugnay ng kanyang kasong coup d’etat na walang piyansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending