P2B kita mula sa ‘tara" system ng NFA ibinunyag ni Hontiveros | Bandera

P2B kita mula sa ‘tara” system ng NFA ibinunyag ni Hontiveros

- September 24, 2018 - 07:47 PM

HINDI pa ligtas sa mga kaso ang nagbitiw na si dating National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino.

Sa isang privilege speech, inakusahan ni Sen. Risa Hontiveros si Aquino na umano’y sentro ng malawakang korupsyon sa NFA.

Sinabi ni Hontiveros na sa ilalim ng ‘tara” system, umabot sa P2 bilyong kita kada taon ang napunta sa iilang tao.

“Mr. President, paano kumikita ang administrator dito? Simple. Ang kalakarang tara per bag ay between P100 to P150 – P100 kung kaibigan ka, P150 kung ‘di kayo masyadong close. Gawin na nating P100,” sabi ni Hontiveros.

Idinagdag ni Hontiveros na umaabot sa isang milyong toneladang bigas kada taon ang inaangkat ng bansa, kung saan naglalaman ang kada tonelada ng 20 sako ng bigas.

“This means we import 20,000,000 bags of rice. Let us multiply 20,000,000 bags by P100. Twenty million bags multiplied by P100 is a windfall of P2 billion,” sabi ni Hontiveros.

“Ito pa lang ang ‘entrance fee’ ng mga importer para mabigyan ng certificate of eligibility at import permit. Hindi pa kasama ang iba-ibang bayad pa para sa iba-ibang modus operandi. Hindi pa kasama ang service fee na bigla-bigla nalang pinataw sa administrasyon ni Jason Aquino. In short, we are looking at a multi-billion peso enterprise. A multi-billion enterprise that has lined the pockets of a privileged few, and caused hunger to untold numbers of Filipinos,” ayon pa kay Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na dapat kasuhan si Aquino ng economic sabotage.

“How much was paid to Aquino by private importers for allowing this modus operandi? We can only surmise. What criminal offense can be charged against him? Here, there is no surmising. Economic sabotage under Republic Act No. 10845,” sabi ni Hontiveros.

Sinuportahan naman ni Sen. Grace Poe ang pahayag ni Hontiveros.

“Siguro dapat talaga maipakulong na kasi kung hindi talaga napapakulong at hanggang ngayon ni isa wala pang napapakukulong dyan e, hindi matatakot ‘yang mga ‘yan,” sabi ni Poe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending