Hugot ni Jake Zyrus: tumulong man o hindi blacksheep pa rin

By Cristy Fermin September 24,2018
share this

Hugot ni Jake Zyrus: tumulong man o hindi blacksheep pa rin

By Cristy Fermin September 24,2018
share this


MATINDI ang himutok ni Charice Pempengco na Jake Zyrus na ngayon sa panawagan ng kanyang ina na sana’y tumulong-dumalaw siya sa kanyang Nanay Tessie na nasa ICU ngayon.

Tutulong siya, bakit ang hindi, pero ayon kay Jake ay hindi na dapat malaman ng publiko ang mga tulong na gagawin niya para sa kanyang lola.

Na tama lang naman. Ang ginagawa ng ating kanang kamay ay hindi na kailangan pang ipaalam sa kaliwa dahil nawawala ang kabuluhan ng pagtulong.

Matindi ang kanyang sentimyento, tumulong siya at hindi ay siya pa rin naman ang blacksheep sa kanilang pamilya, wala siyang ginagawang maganda para sa kanyang mga kadugo.

Tanggapin natin ang katotohanan na nu’ng kumikita nang maganda si Jake Zyrus ay inuna muna niya ang kanyang pamilya. Ang kapakanan ng mga ito ang naging prayoridad niya pero ang dami-dami pa ring naglabasang kuwento kung gaano siya kasamang anak, kapatid at apo.

At tama rin ang kanyang pananaw na bakit siya lang ang kailangang tumulong, samantalang marami namang anak ang kanyang lola, ang punto ni Jake Zyrus ay kailangang magtulong-tulong sila sa pinagdadaanan ngayon ni Nanay Tessie.

Tuloy ay napilitan siyang balikan ang nakaraan kung paano siya hinusgahan ng mga taong dapat ay unang-unang nagtatanggol sa kanya, pero ang mga ‘yun pa ang mas nagdiin at nanghusga sa kanya, tao lang si Jake Zyrus na nasasaktan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending