Singer-actress na may pagkatomboy magulo ang utak

By Cristy Fermin September 23,2018
share this

Singer-actress na may pagkatomboy magulo ang utak

By Cristy Fermin September 23,2018
share this


MADALAS ding pinagkukuwentuhan sa mga umpukang-showbiz ang kakaibang ugali ng isang kilalang aktres na parang hindi masyadong kakampi ang kapalaran. Napakatagal na kasi niyang bumibida sa mga serye pero parang mabagal ang pagsulong ng kanyang career.

Kung anu-ano nang papel ang ginagampanan niya, nandiyang kawawain siya, nandiyang para siyang engkantada pero hanggang du’n lang ang popularidad niya.

Kuwento ng isang source, “Medyo makupad nga ang pag-angat ng career niya. Imagine, ilang taon na siyang bumibida sa mga seryeng ginagawa niya, pero parang mailap sa kanya ang kapalaran.

“Oo, bumibida nga siya, pero hanggang du’n lang, parang flat ang appeal niya sa publiko. E, ang ibang mga artista, kapag nagbibida na, mabilis agad ang pagsulong ng career, di ba?

“Pero bakit siya, e, napag-iiwanan? Bakit hanggang ngayon, e, ganyan lang siya?” tanong-opinyon ng nasabing impormante.

May mga nagkokomento naman na ligaw na ligaw daw kasi ang publiko sa kung ano ang gustong gawin talaga ng female personality. Ano at alin daw ba ang mas matimbang sa kanya? Pag-arte o pagkanta?

“‘Yun siguro ang nakakagulo sa mga tao, hindi nila malaman kung saan susuportahan ang female personality. Singer siya, tama, tapos, umaarte pa. Alin ba sa dalawang mundo ang mas gusto niya?

“Magulo nga naman ang ganu’n, wala siyang identity talaga. Sana, siya mismo ang mag-decide para sa sarili niya. Ano ba, magpapakaseryoso ba siya sa pag-arte o gusto niyang maging sikat na singer? Naguguluhan sa kanya ang mga kababayan natin!” madiing komento ng aming source.

Pero isang machikang source din ang nagkuwento na may something sa ugali ng female personality. May kamalditahan pala siya, may sariling mundo, kaya ganu’n kailap sa kanya ang mga katrabaho niya.

“Pati ang ugali niya, e, parang career niya, magulo rin! Naku, malakas ang sumpong ng babaeng ‘yun! Matindi ang pagpapabagu-bago ng ugali niya! Minsan, okey siya, pero mas madalas siyang may tantrums.

“E, parang tibo pa namang kumilos ang girl na ‘yun, kaya ayan, maraming hindi nagkakagusto sa attitude niya. May angas siya, sumpungin!” kuwento pa ng aming impormante.

Kayang-kaya n’yo nang tumbukin kung sino ang female personality na ito na magulo ang takbo ng karera, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sino siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending