Anibersaryo ng martial law ginunita sa pamamagitan ng mga protesta
GINUNITA ng mga aktibista ang deklarasyon ng martial law ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng mga kilos-protesta para batikusin ang pamumuno ni Pangulong Duterte.
Nagtipon-tipon ang iba’t ibang organisasyon, partikular ang mga religious, student, women’s rights advocates, labor unions, farmers groups, at mga makakaliwa sa Luneta.
Gumamit ang mga nag-organisa ng hashtag ng #NeverAgain.
Nanawagan din ang mga nagpoprotesta sa administrasyon na muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF), itigil ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, at itigil ang paglabag sa mga karapatang pantao sa gera kontra droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.