TAHASANG sinabi ni dating senador Aquilino Pimentel, Jr. kay Communications Assistant Secretary Mocha Uson na magsayaw na lamang siya at wag nang makisawsaw sa isyu ng federalismo.
“She… Assistant Secretary Mocha, dapat siguro nandoon siya sa entertainment lang. Huwag naman siyang sasali dito sa mga isyu na mukhang hindi naman niya naiintindihan,” sabi ni Pimentel sa isang briefing sa Malacang.
Nauna nang nabatikos si Uson dahil sa “pepedederalismo” video.
“Lalong magkakagulo ang pag-iisip ng taumbayan kung haluan mo by statements coming from an assistant secretary in government, occupying a government position, paid for by the people. So hindi gaanong maganda siguro. So doon na lang siya sa sayaw-sayaw, okay lang,” ayon pa kay Pimentel, na miyembro ng Consultative Committee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.