Louise malalim ang hugot sa mga ex, ilang beses nasaktan | Bandera

Louise malalim ang hugot sa mga ex, ilang beses nasaktan

Reggee Bonoan |September 21,2018
facebook
share this

Louise malalim ang hugot sa mga ex, ilang beses nasaktan

Reggee Bonoan - September 21, 2018 - 12:15 AM

LOUISE DE LOS REYES AT JINO

SA nakaraang presscon ng bagong pelikula ng Viva Entertainment na “Para Sa Broken Hearted”, natanong ang limang bidang artista tungkol sa kanilang mga hugot sa lovelife.

Isa-isang sinagot nina Louise delos Reyes, Shy Carlos, Sam Concepcion, Yassi Pressman at Marco Gumabao kung sino sa kanila ang nakaka-relate sa mga tagline ng kanilang pelikula na “nagpabaya”, “nagsinungaling,” “umasa,” “nagdamot” at “nagmadali.”

Ayon kay Louise, “Siguro ako ‘yung umasa. Parang lahat naman tayo ay matindi ‘yung faith sa karelasyon natin sa lahat ng bagay. So, siguro naka-relate ako sa umasa dahil umasa ako doon sa magiging okay siya, umasa na after magkapatawaran maibabalik ulit kung ano ‘yung dati.

“So, ‘yung pag-asa na ‘yun hindi naman talaga naging hoping pero minsan mare-realize natin na mas magandang umalis na lang tayo sa relationship kaysa paulit-ulit nating saktan ang sarili natin at pagkatapos mada-damage ang puso natin at puso ng iba, so hindi siya win-win situation kaya mas okay na i-reserve mo ‘yung love and respect sa sarili mo,” mahabang paliwanag ni Louise.

Maraming nagulat sa hugot na litanya ng dalaga at mangiyak-ngiyak pa habang nagsasalita. Kaya nagtanong agad kami kung sino ba ang mga naging ex-boyfriend niya na nasaktan siya nang husto. Dalawang aktor ang binanggit sa amin, sina Enzo Pineda at Aljur Abrenica.

Pero sa ngayon ay masaya na si Louise nang i-check namin ang mga Instagram posts niya, puro happy moments ang mga nakita naming larawan niya kayakap ang non-showbiz guy na kuha sa nakaraang 26th birthday celebration niya.

Ang caption ni Louise sa kanyang IG photo, “I’m not really a fan of celebrating my birthday but last Saturday was an exception. To you My Love, thank you for helping me plan my Birthday Party. Totoo sinasabi nila, YOU ARE THE BEST BOYFRIEND! Thank you for your patience and understanding Love. Thank you for helping me make our DIY decors, from going to Divisoria to drawing and cutting decors.

“I finally found someone who is as DIY crazy as me! Thank you for making sure that everything is well executed. Thank you for the surprise! Super loved my Mac and Cheese Cake from @theflourgirl. Wala na akong ibang masabi kundi Thank you. I’m so lucky to have you in my life @jinob08. Life’s better with you. Again, Happiest Birthday to meee!!!”

Non-showbiz guy ang balitang karelasyon ngayon ni Louise na pinangalanan lang na Jino. Marami silang sweet photos ni Louise si IG.

Ito naman ang pahayag ni Yassi, “Ako po ay hindi naman nagpabaya at hindi rin naman ako nagsinungaling, hindi rin naman nagdamot at nagmadali. Pareho na lang po kami sa umasa. Thank you. Walang explanation.”

Say naman ni Sam, “Nahihirapan akong pumili kasi na-realize ko, in some way at some level maliit man o malaki nagawa natin ‘yang mga ‘yan. Nagpabaya minsan sa sarili, nagdamot sa ibang tao, umasa rin, di ba?

Siyempre as much as na-experience natin lahat ‘yan.”

“Ako naman dalawa siguro, nagmadali at nagpabaya. Nauna ‘yung nagmadali kasi because when you meet a person, siyempre excited ka sa fact na in love ka sa kanya, sobrang excited ka sa fact na you started to date tapos may part sa relationship n’yo na nagpapabaya ka, sometimes iyon ang naging reason kung bakit kayo nag-break,” ang pahayag naman ni Marco.

Sabi naman ni Shy, “Nagmadali, actually dati hindi ako ganu’n dahil ayaw ko magka-boyfriend ganyan-ganyan. Tapos meron akong super crush, ayun nagmadali na hindi pala dapat ganu’n. Ginaya ko ‘yung style ni Jackie (karakter niya) after i-shoot ‘yung movie, tinry ko lang naman, hindi pala effective.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kuwento ng pelikula, siniguro ng limang mga bida na maraming matututunang aral sa buhay ang manonood. Hindi lang daw para sa mga broken hearted ang movie nila, pwede rin daw ito sa mga taong hindi pa nagmamahal at magmamahal pa lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending