Mocha namumuro na kay Digong
May bago na namang isyung kinasasangkutan si Usec Mocha Uson. This time, si Sen. Nancy Binay naman ang umalma sa video na supposed to be ay magpapaliwanag tungkol sa federalism using sign language. Pero hindi ito nagustuhan ng deaf-mute community.
Si Sen. Binay ay co-author ng National Sign Language bill. Disrespectful daw ang video para sa mga pipi at bingi.
Imbes makatulong sa gobyerno, mukhang minus point na naman ang ginawa ni Mocha. Tuluyan na kayang mabwisit ang gobyerno o mismong si Presidente Rodrigo Duterte kay Mocha dahil dito?
May balita kasi na nakarating sa amin na “namumuro” na raw si Mocha kay Presidente. At kapag nangyari ‘yun, ‘di malayong tsugihin na rin siya sa kanyang pwesto.
Kunsabagay, ang dami namang pwedeng ipalit kay Mocha just in case tsugihin na siya. At isa na riyan ang dating broadcaster na si Jay Sonza na diumano’y type naman ang posisyon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar.
Ganern?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.