Mabahong hininga ni young actor hindi na kinaya ng beking celebrity sa taping

By Cristy Fermin September 19,2018
share this

Mabahong hininga ni young actor hindi na kinaya ng beking celebrity sa taping

By Cristy Fermin September 19,2018
share this


NAGING mahirap para sa isang showbiz personality ang pagtatawid ng katotohanan sa isang guwapong young actor.

May kinalaman ‘yun sa hygiene, may napansin kasi ito nu’ng minsang nagkaroon sila ng eksena sa isang programa, kailangang sabihin ‘yun ng becki personality sa guwapo pa namang aktor.

Kung anu-ano ang kanyang naisip, gusto sana nitong magkuwento sa guwapong aktor tungkol sa isang personalidad na may ganu’n ding problema, pero hindi ‘yun itinuloy ng becki.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng ginawa kasi nila ang isang eksena, e, napansin ng becki na may kakaibang amoy ang hininga nu’ng kaeksena niya. Akala niya, e, kumain lang ng kung anong malansa ang guwapong young actor.

“Pero hindi, e, sa lahat ng mga eksena nila, e, naaamoy pa rin ng becki ang bad breath ng young actor, kaya naisip niya, bigyan ng payo ang bagets dahil sayang, guwapo pa naman siya, pero may kabahuan ang hininga niya.

“Hirap na hirap siyang masabi ‘yun sa young actor, baka kasi magalit sa kanya, baka siya pa ang lumabas na masama,” simulang chika ng aming source.

Nu’ng patapos na ang taping ng programa ay tinapik ng showbiz personality ang young actor, meron itong ibinulong, parang okey naman ‘yun sa binulungan niya.

“Bago sila naghiwalay sa last shooting day, e, itinuloy na ng becki ang plano niya, kinausap niya nang seryosohan ang bagets actor, pinayuhan niya.

“Ang sabi sa kanya ng becki, ‘Siguro, marami na ring may gustong magpayo sa iyo, pero nagdadalawang-isip lang silang magsabi, dahil baka magalit ka. Pero ako, sa magalit ka’t sa matuwa, sasabihin ko sa iyo ang totoo. Kailangan mong gawan ng solution ang problema mo. Concerned kasi ako sa iyo.’

“May sinabing tablet ang becki na nakapag-aalis ng baho ng hininga, kailangang inumin ‘yun ng young actor dahil mukhang sa bituka na ang problema niya, nakinig naman sa kanya ang young actor.

“Nu’ng nagkita sila uli, e, tinanong ng becki ang young actor, ‘Wala na, hano? Itinutuloy mo pa ba ang pag-inom ng tablet?’ Sumagot ang bagets, oo raw, napakalaki raw ng naitulong sa kanya ng becki,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala ang becki personality, ganu’n din ang young actor.

Bahala na kayong mag-isip kung sino ang young actor na ang dami-dami nang nakapareha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending