Maangas na aktor sobrang bilib sa sarili, masyadong mareklamo | Bandera

Maangas na aktor sobrang bilib sa sarili, masyadong mareklamo

Cristy Fermin |September 18,2018
facebook
share this

Maangas na aktor sobrang bilib sa sarili, masyadong mareklamo

Cristy Fermin - September 18, 2018 - 12:15 AM


DATI nang pinagkukuwentuhan ng mga production staff ang isang male personality na magaling umarte pero may kakaibang ugali. Masyadong saludo sa kanyang talent ang lalaking personalidad.

Hindi siya nakapaghihintay na ibang tao ang pumuri sa kanya, siya mismo ang aligagang puring-puri sa kanyang sarili, kaya nagtataas na lang ng kilay ang mga nakakarinig sa kanya.

Napansin siya sa isang pelikulang pinagbidahan ng isang kilalang aktor, hindi naman siya ang pinakabida, pero kung magkuwento siya ay parang siya ang nagdala sa pelikula.

“May kakaiba ring paandar ang lalaking ‘yun! Sabihin na nating magaling nga siyang umarte, pero tama ba namang siya pa mismo ang pumupuri sa sarili niya?

“Mahilig siyang magbuhat ng bangko, hindi siya makapaghintay ng papuri mula sa ibang tao, talagang ipinagdidiinan niyang magaling siyang aktor!” simulang chika ng aming source.

At dahil sa sobrang bilib niya sa kanyang talent ay may kakaiba siyang kaangasan. Mareklamo siya, tanong nang tanong sa production staff kung anong oras siya pakakawalan sa trabaho, kaya maraming naiinis sa kanya.

“Ganu’n siya, palagi siyang tingin nang tingin sa relo niya, tanong siya nang tanong kung anong oras ang pack-up niya, marami pa raw kasi siyang gagawin.

“E, kundi ba naman siya hunghang, naka-block-off ang araw na ‘yun para sa tinanggap niyang work, ang production ang may-ari ng oras niya, kaya bakit siya tumatanggap pa ng ibang trabaho?

“Kahit marami pa siyang gagawing sequences, arya siya nang arya sa katatanong, samantalang alam niya naman na hanggang hindi tapos ang mga eksena niya, e, hindi pa siya puwedeng makaalis!

“Naku, tantanan ng lalaking ‘yun ang mga ganyang drama, ‘no! Wala pang kasiguruhan ang career niya, hindi guarantee ang isang movie na kumita na hindi pa naman siya ang bida!

“Hindi rin guarantee ang husay niya sa pag-arte, maraming artistang mas magaling pa kesa sa kanya, pero dahil nagbibigay ng problema sa production, e, nababantilawan ang career!

“Siya rin, hindi pa naman kagandahan ang name niya, baka maging bula ang career niya na nand’yan ngayon, pero bukas, e, wala na, dahil sa kaangasan niya!” pagbibigay pa ng clue ng aming chikadorang source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakadaling hulaan kung sino siya, pramis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending