3 Indonesian kidnap victim pinalaya sa Sulu | Bandera

3 Indonesian kidnap victim pinalaya sa Sulu

John Roson - September 16, 2018 - 04:11 PM

PINAWALAN ng mga kidnaper sa Sulu ang tatlong mangingisdang Indonesian na kanilang dinukot sa bahagi ng dagat na nasa pagitan ng Pilipinas at Malaysia noong Enero, ayon sa militar Linggo.

Pinalaya sina Hamdam Salim, 34, Subandi Sattuh, 27, at Sudarlan Samansung, 41, sabi ni Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.

Pinawalan sila sa Brgy. Buanza, Indanan, dakong alas-4 ng hapon Sabado, sa pamamagitan nina Tarhata Misuari, Abdul Kiram Misuari, at dating Sulu. Gov. Abdusakur Tan, ani Besana.
Dinukot sina Salim, Sattuh, at Samansung noong Enero 18, 2017 sa bahagi ng dagat na malapit sa Taganak Island, Tawi-Tawi, aniya.

Aabot sa 32 armadong sakay ng isang lantsa ang dumukot sa mga banyaga, ayon sa isang military report.
Matapos pawalan, itinurn-over ang mga Indonesian kina Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Divino Rey Pabayo Jr., Tan, at Sulu provincial police director Senior Supt. Pablo Labra.

Dinala ang ga banyaga sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo para sa oagsusuring medikal at debriefing.

Nakatakda silang i-turn over sa ambassador ng Indonesian, sa tanggapan ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City, Linggo, ani Besana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending