40 Pinay beauties patalbugan sa 2018 Miss Millennial PH ng ‘EB’ | Bandera

40 Pinay beauties patalbugan sa 2018 Miss Millennial PH ng ‘EB’

Bandera - September 16, 2018 - 12:20 AM

ANG 10 SA MGA KANDIDATA NG MISS MILLENNIAL PH 2018

NAGBABALIK sa telebisyon ang Miss Millennial competition na magtatampok sa 40 naggagandahang Pinay mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Matapos ang successful first run nito noong nakaraang taon, maghahanap muli ang Eat Bulaga ng mga local beauty titleholders para hamu-nin ang mga ito na i-represent ang kanilang mga probinsya sa naiibang paligsahan ng kagandahan.

Hindi tulad ng mga nakasanayan na nating mga beauty pageants sa bansa, ang “Miss Millennial Philippines” ay mas magbibigay halaga sa pagpo-promote ng tourism potential ng isang lugar sa tulong na din ng mga millennial contestants na magsisilbing ambassadress ng kanilang lalawigan.

“Last year’s journey was really an eye opening one for all of us. Personally, mahilig ako mag-travel at nu’ng nagsimula na yung pageant, na-guilty ako na di ko pa napupuntahan yung ibang magagandang lugar na nai-feature sa telebisyon.

“Gugustuhin mo talagang dumalaw at tikman yung mga nagsasarapan nilang mga pagkain. Gusto namin na ulitin yun, na mag spark ng same curiosity sa audience,” saad ni Eat Bulaga SVP for Creatives and Operation, Jeny Ferre.

Maliban sa pag-represent ng kanilang mga probinsya, magpo-produce rin ang mga millennial contestants ng mga eye-catching TV and online videos na mas makakapagpakilala sa kanyang hometown. Ang mga materyal na ito ay ipalalabas araw-araw sa longest-running noontime variety show at sa ibang mga social media websites.
“Essentially this is about tourism, but the heart of this pageant is the energy of the young people. Gusto naming pagsamahin ang traditional media at ang online sa pag-highlight ng mga must-see places ng bansa.
“Nais naming gamitin sa positibong pamamaraang ang mga online platforms na ito para ipaalam at ipakita kung gaano kaganda ang Pilipinas. At sino pa ba ang makakapag-represent ng mga lugar na ito kundi ang ating mga kandidata dahil sila ang may firsthand experience sa culture and tradition ng kanilang lugar,” saad pa ni Ferre.

Inamin din nito na sa lahat ng well-loved segments ng Eat Bulaga, ang Miss Millennial Philippines ang pinakamahirap at pinakamahal na i-produce sa telebisyon. Maliban kasi sa logistics and production constraints, hindi rin madali ang maghanap ng 40 candidates na may iba’t ibang background at galing sa iba’t ibang lalawigan.

Ang 40 kandidatang naglalaban-laban para sa Miss Millennial Philippines 2018 crown ay sina: Sharmaine dela Cruz (Zamboanga), Mae Angela Miguel (Zambales), Maria Isabel Alves (Parañaque), Marela Glospeah Caro Juaman (South Cotabato), Ina Louise Abello (Palawan), Jaila Ragindin (Bataan), Kate Maureen Sunga (Guimaras), Denice Fritz Daligcon (Apayao), Danna Rose Socaoco (Misamis Oriental), Ellen May Otalla (Rizal), Verna Ricaella Franco (Tarlac), Kiezel Mellado (Sarangani), Trisha Aceret (Ilocos Norte), Shaira Marie Rona (Mandaluyong City) at Ma. Gienel Caling (Nueva Ecija).

Nandiyan din sina Marissa Ruado (Masbate), Daphne Kyara Marie Algrame (Negros Oriental), Jennifer Lemaitre (Laguna), Jewel Palacat (Ilocos Sur), Shaila Rebortera (Cebu), Merrielle Sarmiento (Oriental Mindoro), Femush Lyssa Maynes (Nueva Vizcaya), Elaiza Monica Mascarinas (Compostela Valley), Eloiza Canlas (Pampanga), Lesly Joy Sim (Quezon Province), Alyssa Angelica Dacuno (Samar), Trissia Aldave (Camarines Sur), Ivory Felix Calampinay (Malabon), Elisha Libres (Davao del Sur), Joanna Kalkschmidt (Capiz), Zane Anne Deza Parel (Isabela), Lady Justerinnie Santos (Bulacan)

Samantala, ang mga probinsyang first time na sasali sa competition ay ang Batanes (Ma. Ellena Velasco), Aurora (Verny Abby Zabat), Bukidnon (Sunshine Gumbao), Abra (Chanel Mistyca Corpuz), Siquijor (Neriz Lantaca), Agusan del Sur (Judie Anne Castro), Iloilo (Demi Patria Jainga) at Jolo, Sulu (Nur Shaira).
Para sa taong ito, ang grand winner (base sa pinakamadaming text and online votes) ay magkakaroon ng house and lot mula sa Camella Homes, brand new Montero Sport at P500,000.

Mag-a-award din ang Eat Bulaga ng isang “Miss Bayanihan Queen,” ang dalaga na nakagawa ng pinakamagandang
tourism campaign para sa kanyang probinsya. Mabibigyan ang nasabing lugar ng P1 million para tustusan ang isang local tourism project.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “Miss Millennial Philippines 2018” tuwing tanghali sa Eat Bulaga ng GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending