KathNiel movie winasak ang record nina John Lloyd at Bea; maagaw kaya ang korona ni Vice Ganda? | Bandera

KathNiel movie winasak ang record nina John Lloyd at Bea; maagaw kaya ang korona ni Vice Ganda?

Dominic Rea - September 14, 2018 - 04:16 PM
MABURA nga kaya ng KathNiel ang record ni Vice Ganda sa takilya? Ipinagdarasal ng ilang fans and followers ng pinakasikat na on and off screen loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na makagawa rin ng record ang “The Hows Of Us” ni Direk Cathy Molina sa history ng Filipino movies. Sa totoo lang, kahit naman ang KathNiel ay hindi pa rin makapaniwalang aabot sa mahigit P530 million ang kikitain ng pelikula! At sa totoo lang din, hindi naman lahat ng nanood ng pelikulang “The HOws Of Us” ay avid fans ng dalawa. Marami kasi talaga ang naintriga sa kuwento ng pelikula dahil nga pinag-usapan ito ng madlang pipol. Ayon sa Star Cinema, kumita na ng P538 million sa Philippine box-office ang “The Hows Of Us” habang umabot naman na sa $1 million US dollars (P53 million) ang kinita nito mula sa international screenings. Kaya ang total worldwide box-office gross ng pelikula ay nasa P591 million na. Ayon sa ulat, ang pelikula na ng KathNiel ang most-watched Filipino movie na hindi si Vice Ganda ang bida. Nalampasan na ng pelikula ang P556 million worldwide box office gross ng pelikula nina John Lloyd Cruz  at Bea Alonzo movie na “A Second Chance”. q q q Sa media launching ng pelikulang “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka” ng Wilbros Films showing on  Sept. 19 ay hindi ko naiwasang bigyang papuri itong fresh and talented movie director na si Fifth Solomon. Sa trailer pa lang kasi ng nasabing movie, ramdam ko na agad ang pain na bitbit ni Alex Gonzaga bilang lead actress. Kahit baguhang direktor, mukhang matino naman ang pelikula kahit sabihin pang indie ito. Well, hindi naman basta lang nagdirek ng pelikula si Fifth Solomon kundi nag-aral din siya ng Filmmaking sa Australia because gusto niya naman talaga ang kanyang ginagawa. Nakaw-atensiyon ang titulo ng pelikula kung saan sigurado ako that Alex Gonzaga will make it this time. Sabi ko nga sa kanya, right project lang talaga kaya umaasa naman daw si Alex na marami ang susuporta sa kanyang pelikula. Isang drama-comedy flick ang “NKNKK.” Punong-puno ng bittersweet moments at hugot ang pelikulang ito ni Alex. Patungkol naman sa naudlot na launching movie dapat ni Alex, two years ago, malungkot nitong ibinalita sa aming hindi na ito matutuloy.  Alex said na tuloy-tuloy pa rin ang buhay after what happened at trabaho lang daw nang trabaho. Abangan din daw ang appearance ng kanyang Ate Toni Gonzaga-Soriano sa pelikula nila.  Gusto ko yung ugali ni Alex na kahit anong nangyayari sa kanyang karera, positive lang siya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, basta siya, work at happy lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending