‘Bangkay’ na nagkamot ng ilong sa Probinsyano nag-viral

September 13,2018
share this

‘Bangkay’ na nagkamot ng ilong sa Probinsyano nag-viral

September 13,2018
share this


VIRAL ngayon ang isang video at photo ng isang eksena sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Isang Facebook user (John Henry Espadilla) ang nag-postng screengrab mula sa isang episode ng Probinsyano kung saan makikita ang isang extra na gumaganap bilang “bangkay” na nasa loob ng cadaver bag.

Pero ang nakakagulat, biglang gumalaw ang bangkay at huli sa akto na kinakamot ang kanyang ilong. May caption ang nasabing photo na, “Ngayon lang ako nakakita ng patay na nagkakamot ng ilong. HAHAHA!”

Habang sinusulat namin ang balitang ito, may mahigit 12,000 reactions, 4.6K comments at 30K shares na ang FB post ng netizen.

Pero in fairness, marami naman ang nagsabi na panonoorin at tututukan pa rin nila ang serye ni Coco sa kabila ng nakakatuwang blooper.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending