I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - July 05, 2013 - 07:00 AM

Mula kay May ng …6901. May 16, 1989 ang birthday ko at September 13, 1988 naman ang mister ko. Kailan kaya kami magkaka-anak?
Tugon ni Madam Sophia:
Ang birthday ninyong mag-asawa ay nagsasabing sa taon 2013 hanggang 2015 magkaka-anak na kayo ng isang cute at kay guwapo-guwapong lalaki!
>>>
Mula kay Arlene ng Cotabato City. November 19, 1989 ang birthday ko. Ano po ba ang aking masuwerteng kulay?
Tugon ni Madam Sophia:
Ayon sa birthday mo, suwerte at mapalad ka sa kulay na berde at pula. Ang dalawang nabanggit na kulay ang lagi mo na lang soutin at gamitin, makikita mo, susuwertehin narin ang iyong buhay sa aspetong pang-pinansyal at pag-ibig.
>>>
Mula kay Sheena ng Mandaluyong City. December 12, 1983 ang birthday ko. Isang house wife lang po ako at nais ko pong magnegosyo. Anong negosyo ang bagay sa akin?
Tugon ni Madam Sophia:
Ang birthday mo ay nagsasabing kahit na ikaw ay housewife lang maaari kang magnegosyo ng mga kalakal na may kaugnayan sa pagkain at sa darating na kapaskuhan. Simulan mo na ngayon sa pagbe-bake ng mga cookies at kung ano pang matatamis o sweet na pagkain. Sa ganyang kalakal ka aasenso. Puwede ding magluto ka ng mga pagkaing pang-gabi, tulad ng bibingka, mainit na sopas, arozcaldo, goto at iba pang kauri nito. Sa ganyang negosyo ka aasenso hanggang sa dumating ang takdang araw magkaroon ka ng sariling bakery or restaurant.
 Kung magsisimula ka ng magnegosyo ngayon, kusa ng aangat ang pag-asenso sa aspetong pangkabuhayan at  pananalapi sa taon 2014.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending