NAKAALIS na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Neneng habang patuloy namang lumalapit ang bagyong may international name na Mangkhut sa bansa.
Naglabas na ng final severe weather bulletin ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration para sa bagyong Neneng. Inalis na rin ang Tropical Cyclone Warning Signal na itinaas sa Batanes.
Tatawagin ang bagyong Mangkhut ng bagyong Ompong pagpasok nito sa PAR sa Miyerkules o Huwebes.
Umaabot na sa 170 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at pagbugsong 210 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro pa-kanluran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.