Jolo nagulat nang malamang papatayin na siya sa 'Probinsyano' | Bandera

Jolo nagulat nang malamang papatayin na siya sa ‘Probinsyano’

Cristy Fermin |September 11,2018
facebook
share this

Jolo nagulat nang malamang papatayin na siya sa ‘Probinsyano’

Cristy Fermin - September 11, 2018 - 12:10 AM


PATAY na ang character na ginagampanan ni Vice-Governor Jolo Revilla sa Ang Probinsyano. Siya ang close aide ng gumaganap na pangulong si Rowell Santiago.

Nu’ng nakaraang Biyernes pinatay ang maigsi lang pero markadong papel na ginampanan ng aktor-pulitiko. Sa sobrang proteksiyon na ibinibigay niya sa pamilya ng pinaglilingkuran niyang presidente ay ibinuwis niya ang kanyang buhay.

Tawa kami nang tawa sa kuwento ni Manay Lolit Solis, ang kanyang sabi, “Naku, tumawag sa akin ang Dreamscape, papatayin na raw ang character ni Jolo! Ayoko na lang i-preempt, pero alam ko na kung sinu-sino pa ang papatayin sa serye.

“Nu’ng tawagan ko si Jolo para sabihing magla-last taping day na siya dahil papatayin na nga ang role niya, e, nagulat siya!

“Sabi niya sa akin, akala raw niya, e, mahaba ang role niya, pero papatayin na pala siya? Ang sabi ko naman, e, ‘yun ang sinabi sa akin, hindi naman ako ang sumusulat ng script ng serye!” humahalakhak na kuwento ni Manay Lolit.

Wala mang masyadong linya sa serye si Vice-Governor Jolo Revilla ay mahirap nang kalimutan ang partisipasyon niya sa serye. Bayani pa nga siyang lumalabas dahil nagbuwis siya ng buhay para sa kaligtasan ng kanyang mga binabantayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending