Horoscope, September 10, 2018

By Madam Sophia September 10,2018
share this

Horoscope, September 10, 2018

By Madam Sophia September 10,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Darating ng darating ang maraming suwerte. Itago mo ito ng itago at paabutin hanggang sa panahon ng kapaskuhan. Sa pag-ibig kapag mayamang-mayaman ka na lalong maglalaway sa iyo ang isang Libra. Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, kakapusin pa rin! Ang pinakamabuting gawin ay ang mag-tipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam yan para lalo kang sumeksi. Sa pag-ibig isang Sagittarius ang tunay na magpapaligaya sa iyo. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Hindi uubra ang bait, dahil ang pagiging mabait ay hindi nagpapayaman. Isang tao lang ang dapat mong pakitaan ng tunay mong kabaitan – ang kasuyo mong Virgo. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhanah-Om-Dhosya.” Green at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Higit kang uunlad kung isang kalakal na lang na may kaugnayan sa pagkain at sa nalalapit na kapaskuhan ang aatupagin. Sa pag-ibig, wag ka nang umarte-arte pa, minsan lang dumating ang masarap na romansa, bumigay ka ng bumigay upang lubos at lalo ka pang lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Ang kalungkutan at mga problema sa ngayon ay mapapalitan ng dagdag na suwerte at magagandang kapalaran sa araw ng bukas. Ang mahalaga, hindi ka dapat magpadala sa negatibong emosyon, ito ang araw upang ikaw ay mag-saya at makikita mo, sa masayahingpakiramdam, masasagap mo na ang magandang kapalaran. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Yellow ang kulay ng Leo, kaya nga mas madaling magbabago ang kapalaran kung laging magsusuot ng kulay yellow. Sa pinansyal at pag-ibig kulay yellow din ang magbibigay ng suwerte. Mapalad ang 1, 10, 19, 35, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Aum-Kebalam.” Bukod sa yellow buenas din ang green.

Virgo – (August 23 – September 22) — Ngayon na ang panahon upang tapusing mabilis ang anumang ginagawa upang magkaroon ng “free time” sa mga gawaing magdadagdag ng kita. Sa pag-ibig, kapag maraming pera mas lolang sumasigla ang pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Arjuna-Om-Govinda.” Red at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa anumang sitwasyon ng buhay hindi dapat maging emosyonal. Tandaan mong, “Walang personalan, pera-pera lang ang labanan!” Sa pag-ibig, wag seryosohin ang kasuyong Aquarius, paluluhain ka lang niya. Mapalad ang 2, 7, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Magulo na naman ang isip mo dahil wala kang permaneteng pag-ibig. Sunggaban ang isang Cancer na malapit lang din ang bahay sa tinitirahan mo. Sa pinansyal, pilitin mong makaipon, kahit na mahirap – yan ang sikreto ng tagumpay at inner security na magdudulot din sa iyo ng inner peace at wagas na kaligayahan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 2, 7, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beeja-Om.” Beige at black ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa kabila ng mga tinatamo mong tagumpay, hindi ka dapat na maging maramot. Ipamudmod ang mga biyaya sa iyong mga kapamilya at kadugo. Sa ganyang paraan lalo ka pang susuwertehin sa buhay. Sa pag-ibig ay ganon din, ibigay ng husto ang iyong sarili at ang iyong katawan sa minamahal upang kapwa kayo lumigaya. Mapalad ang 3, 9, 16, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa malayong lugar, mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa kung sisimulan nyo ng mag-ayos ng mga papels sa ngayon. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi madaling magpatawad, ngunit gawin mo! Pero hindi mo magagawa, dahil sasabihin mo sa iyong sarili, “Hindi naman siya humihingi ng sorry!” Tandaang kapag lumuwag na ang iyong kalooban, luluwag na uli ang pasok ng pera. Oo sa maluwag na kalooban, susuwertehin ka uli at lalong gaganda ang kapalaran. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ang mga Pisces ay kung ano-ano ang iniisip subalit kung matutunan mong mag-concentrate sa iisang larangan lamang mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig mas mainam na mag-seryoso sa isang Cancer. Mapalad ang 3, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending