‘Si Kathryn talaga ang bumuhat sa The Hows Of Us!’

By Alex Brosas September 10,2018
share this

‘Si Kathryn talaga ang bumuhat sa The Hows Of Us!’

By Alex Brosas September 10,2018
share this


WALANG paglagyan ng kaligayahan ngayon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa patuloy na pagkita ng kanilang “The Hows Of Us” na nasa ikatlong linggo na bukas.

Grabe pa rin ang pila sa mga sinehan, kung hindi ka magiging maagap sa pagkuha ng ticket ay walang pag-asang makapasok ka para makapanood, grabe ang ginawang milagro sa takilya ng tambalang KathNiel.

At hindi lang basta pinipilahan ang kanilang tambalan, pinakamatinding imbitasyon para sa mga hindi pa nakapanonood ang magagandang kuwento ng mga nakapanood na, gumana nang husto ang word of mouth para sa kanilang tagumpay.

Hindi ganito katindi ang inaasahan ng magkarelasyon, alam nilang mananalo sa takilya ang “The Hows Of Us,” pero hindi sa ganito katinding paraan.

Sinusulat namin ang kolum na ito ay nasa mahigit na four hundred million pesos na ang kinikita ng pelikula, patuloy pa rin itong pipilahan sa kanyang ikatlong linggo, kaya halos kalahating bil-yong piso na ang iniaakyat nila sa kaban ng yaman ng Star Cinema.

Ang palagi naming naririnig na komento ng manonood, “Si Kathryn talaga ang bumuhat sa movie. Okey rin naman si Daniel, pero nag-iiyakan ang lahat ng mga nasa sinehan, lalo na du’n sa eksena habang binabasa niya ang letter ni Daniel na pumasok sa ila-lim ng ref at after two years na niya nabasa!”

Panalo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending