Jean tumataya rin sa lotto: Gusto kong magtayo ng foundation para sa bata’t matatanda!
TUMATAYA rin pala si Jean Garcia sa lotto. Habang sinusulat namin ito ay wala pang nananalo sa mahigit P500 million jackpot sa Ultra Lotto 6/58.
“Nagbabakasali, wala namang masama, malay mo maka-jackpot din,” chika ni Jean nang makachika ng press sa mediacon ng bagong series niya sa GMA na Ika-5 Utos na magsisimula na ngayong hapon.
Kapag nanalo raw siya, magtatayo siya ng isang foundation, “Pangarap ko talaga kapag nagkaroon ako ng maraming pera o nakaipon ako nang sobra-sobra, gusto kong magkaroon ng foundation for kids and for matatanda.”
“First, magre-research ako, pipili kung ano, kung street children ba, mga orphanage ba? Gusto kong unang-unang tulungan is the matatanda and the mga kids, iyan ang pa-ngarap ko.
“‘Tapos ang isa pa is yung sa pagpapaaral, e-ducation, ito any age ito, puwedeng kahit anong edad,” aniya. Sa ngayon may ilang charity institutions nang sinusuportahan ang Kapuso actress kahit sa maliit na paraan lamang.
Samantala, nilinaw ni Jean na siya ang pinakabida sa Ika-5 Utos kaya siya ang inaasahang magdadala sa programa, “Hindi naman, at saka I don’t consider na ako lang yung bida, e, tatlo kami talaga. Yung tatlong magkakaibigan plus yung mga asawa ‘tapos yung mga kids, mga millennials.”
Ang tinutukoy ni Jean ay sina Valerie Concepcion, Gelli de Belen, Tonton Gutierrez, Neil Ryan Sese, at Antonio Aquitania. Sa mga bagets naman nandiyan sina Jeric Gonzales, Inah de Belen, Jake Vargas at Migo Adecer.
Chika pa ni Jean, “Ang story talaga is umiikot sa tatlong babaeng magkakaibigan. So hindi lang ako, it’s about yung character ko, yung cha-racter ni Gelli at yung character ni Valerie, plus the husbands, plus the kids nu’ng lumaki sila. Maganda yung story, nakakaiyak siya at ma-loloka ka sa story.”
Simula na ngayong Lunes sa GMA Afternoon Prime ang Ika-5 Utos sa direksyon ni Laurice Guillen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.