Nathalie Hart: Gusto ba nila pagmumurahin ko sila?

By Ervin Santiago September 09,2018
share this

Nathalie Hart: Gusto ba nila pagmumurahin ko sila?

By Ervin Santiago September 09,2018
share this


MARIING ipinagdiinan ni Nathalie Hart na wala silang nakaraan ni James Reid – hindi raw talaga sila naging magdyowa.

May konek ito sa ginawang panunukso nina Vice Ganda at Roxanne Barcelo kay Nathalie nang ipakita ang photo ni James sa “Wititit or Keriboomboom” game sa episode ng Gandang Gabi Vice, “In-edit na kasi yun, e. Kasi ang daming cut nu’n. Parang bigla kaming sumigaw. Pero hindi naman ako sumigaw nung time na yun. Sabi ko, ‘A, okay, whatever.’

“Si Roxanne, alam niya kasi nandu’n siya, at alam ng mga tao du’n kung anong nangyari while we were tini-take namin ‘yun,” aniya pa sa panayam ng ilang reporter sa presscon ng latest movie niyang “Abay Babes’ under Viva Films.

Sa nasabi ring segment ay hindi nakasagot agad si Nathalie nang pinasumpa siya ni Vice na kahit “mawala na career” ay talagang nagsasabi siya ng totoo na hindi niya naging dyowa si James.

“My god, anong pakialam ko sa kanya? No offense, ha? Bakit nila nili-link sa akin yung tao? Tumigil na sila. My god, ang laki-laki na ng tiyan ko! Gusto ba nila pagmumurahin ko sila isa-isa? Kasi pumapatol talaga ako. Wala akong pakialam,” chika pa ng pregnant na aktres.

Hirit pa ng prangkang aktres, “We never dated. No! Wala!”

Nagsimulang ma-link ang dalawa nang kumalat sa social media ang kanilang litrato kung saan akmang hahalikan ni James si Nathalie sa pisngi.

Depensa ng aktres, “Picture-picture lang yun! It was a birthday, we were all there du’n sa bahay nila. And it was such a big scandal for everyone, and that was so long ago! My god, 26 years old na ako! I’m such a lola! Kalimutan niyo na!”

Hirit pa niya, “So what kung gwapo siya? Hindi lang naman siya ang guwapo sa mundo.”

Mahigit limang buwan nang bunstis si Nathalie courtesy of her Indian boyfriend Mayank Sharma.

q q q

Samantala, siguradong mabubusog ang mata ng mga manonood sa pinagsama-samang kagandahan, kaseksihan, kadramahan at kalokohan nina Roxanne Barcelo, Meg Imperial, Kylie Verzosa, Nathalie Hart at Cristine Reyes sa pinakabagong handog ng VIVA Films, ang “Abay Babes.”

Ilang taon matapos ang high school, muling magkikita-kita ang mga Bicol “It Girls” na sina Emerald, Ruby, at Perla, para sa nalalapit na kasal ng kanilang kaibigang si Goldie. Darating din si Jade, ang isa pang kaibigan ni Goldie mula naman sa America.

Sa kabila ng excitement, hindi pa rin makapaniwala ang tatlo na mauunahan pa sila ni Goldie na magpakasal samantalang ito ang pinakakulelat sa kanilang grupo kung kagandahan ang pag-uusapan.

Nagbibiruan pa sila na malamang ay imbento at ilusyon lamang ni Goldie ang nasabing kasal.

Mas lalo pa silang magdududa nang wala man lamang silang makitang video o litrato man lang ng groom na si Zack.

Sa gitna ng paghahanda para sa kasal, muling mauungkat ang mga past issues ng magkakaibigan. Sa halip na ipagdiwang ang pagkakaibigan at pag-ibig, mananaig ba ang intriga sa muling pagkikita nila?

Kasama rin sa “Abay Babes” sina Tom Rodriguez, Marco Gumabao, Mark Bautista, Candy Pangilinan at marami pang iba. Mula sa direksyon ni Don Cuaresma, mapanonood na ang “Abay Babes” sa lahat ng sinehan sa bansa simula sa Sept. 19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending