Michelle Vito, Christian Bables may relasyon?

By Julie Bonifacio September 09,2018
share this

Michelle Vito, Christian Bables may relasyon?

By Julie Bonifacio September 09,2018
share this


LAKAS maka-feeling young ng inaabangang movie ni direk Joven Tan na “Petmalu” starring the young generation of stars na sina Diego Loyzaga, Charles Kieron, Jairus Aquino, Vitto Marquez, Bryan Gazmen, Marlo Mortel and Michelle Vito.

Sa presscon ng “Petmalu” ay nakausap namin ang isa sa mga bida na si Michelle. Proud siya sa movie dahil ipapakita rito ang mga hirap na pinagdadaanan ng mga kabataan at kung paano nila ‘to haharapin para umangat sa buhay.

Even in real life, isang mabuting ehemplo rin si Michelle. Kahit busy sa kanyang showbiz career, pinagpapatuloy pa rin niya ang pag-aaral sa kolehiyo. Graduating student na siya sa kursong Human Resource Management sa St. Benilde.

Kinlaro naman niya sa amin ang isyu nang pagkaka-link sa kanya ng aktor na si Christian Bables.

“Ay, wala po. Parang ang kita ko lang po noon is parang sinabi nga po niya yata sa isang interbyu na, parang gusto niyang makalabtim po, parang ganoon,” depensa ni Michelle.

Nakausap namin si Christian noon at nabanggit niya na meron siyang intension na ligawan ang isang female showbiz personality pero ayaw niyang sabihin ang name. Pero pilit namin siyang kinunan ng clue until we found out na si Michelle pala ang tinutukoy ni Christian, “Ay, hindi ko po alam. Ha-hahaha!”

Kwento pa ni Christian sa amin, naipakilala na raw siya ni Michelle sa parents ng bida ng “Petmalu.”

“Yes, kasi nu’ng ‘I Love You To Death,’ since palagi kaming magkakasama nina Christian, kami nina Kuya Enchong (Dee), so, talagang napalapit siya kina Mommy at Daddy.”

Nakapunta na rin daw si Christian sa bahay nila, “Sumasabay siya sa amin pauwi minsan. Dina-drop-off namin siya kung saan siya convenient pauwi. Kasi marami kaming locations dati sa ‘I Love You To Death.’”

Just in case niligawan siya ni Christian noon, may pag-asa ba siya? “Ah, hindi ko masasabi kasi since hindi naman nangyari at hindi naman na-push talaga. Kaya hindi ko talaga mako-conclude talaga kung ano ‘yung ending or kung ano ‘yung chances since hindi ko, paramng wala ako’ng naramdaman or something.”

Pero hindi naman daw niya kinu-close ang kanyang puso pagdating sa love. Kaya lang busy daw talaga siya sa kanyang career and studies.

Showing na ang “Petmalu” mula sa Red Nine Entertainment and distributed by Larger Than Life Studios.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending