Ai Ai sa mang-aahas kay Gerald: Ako legal wife, at forever siyang kabit!!!

By Julie Bonifacio September 09,2018
share this

Ai Ai sa mang-aahas kay Gerald: Ako legal wife, at forever siyang kabit!!!

By Julie Bonifacio September 09,2018
share this

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

KWENTADO na ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas ang mga gagawin niya sa mga susunod na taon. After her successful Cinemalaya movie kung saan nanalo siya bilang Best Actress, ang “School Service” sa year 2020 na siya gagawa ulit ng movie with Louie Ignacio.

Si Direk Louie ang director ng “School Service” at ng weekly noontime show nina Ai Ai na Sunday PinaSaya sa GMA 7.

“Tapos mag-a-anniversary concert ako, 30th ko na. Then, magpapahinga na ako,” lahad niya.

Magpapahinga siya sa pagtatrabaho to give way sa paggawa ng baby nila ng mister niyang si Gerald Sibayan.

Nauna nang nabalita noon na may nai-save ng “itlog” si Ai Ai just in case she wants to have a baby again,

“Syempre para kay Bebe (Gerald) ‘yun. Kailangan din naman niya (ng anak). We are family,” sabi pa niya.

Habang hinihintay ang pagkakaroon nila ng baby, mag-aaral daw muna si Gerald nang pagka-piloto.

Naka-enroll na ang kanyang mister sa Asian International Aviation sa Subic at sa November ang start ng kanyang klase.

Mamamalagi si Gerald sa Subic during weekdays. Pero Friday night pa lang ay uuwi na siya ng Maynila to be with his wifey, “Dream niya ‘yun, e. Bongga, ‘di ba? Korek! Kapag tinanong, ‘Ano ang asawa ni Ai Ai?’ ‘Piloto.’ Ang taray ni bakla! Yayamanin. Pasabog. Piloto ang asawa!’”

Dalawa raw ang dream ni Gerald. Una, maging sundalo, kaya lang ayaw daw ng ama ni Gerald na maging sundalo ang hubby niya. Sundalo na raw kasi both parents ni Gerald.

“Oo, ayaw ng father. So, eto na lang. Kaya pinatupad ko na sa kanya ‘to kasi kawawa naman. Sabi niya, ‘Lahat na lang ng pangarap ko hindi natutupad.’ Sabi ko naman, ‘Tuparin natin ‘to. Go.”

Dati raw kasi ay ayaw niyang mag-aral ng piloto ni Gerald, “Siyempre, sabi ko, maraming magandang flight attendants doon, stewardess. E, ngayon, kasal na kami. Asawa na niya ako. Kaya kahit anong gawin niya, wala na siyang magagawa. Tsaka, kung matukso siya, e, forever kabit ‘yung magiging dyowa niya.

Kasi hindi ko naman siya hihiwalayan. Legal wife (sabay turo sa sarili). Ako legal wife. Ha-hahaha! Siya, kabit,” madiing sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending