Paglabas ni Bong sa Camp Crame nakatakda na

By Ronnie Carrasco III September 08,2018
share this

Paglabas ni Bong sa Camp Crame nakatakda na

By Ronnie Carrasco III September 08,2018
share this


IN his words ay binansagang selective justice ni dating Sen. Jinggoy Estrada ang umiral sa kasong inireklamo sa kanila nina Juan Ponce Enrile at Bong Revilla kaugnay ng PDAF scam.

Hanggang ngayon, ang itinuturong umano’y utak sa likod nito na si Janet Napoles ay nananatiling tikom ang bibig.

But the latest news is that pansamantalang makakalaya si Bong mula sa PNP Custodial Center. As to the exact date nga lang ay hindi pa naitatakda.

Ayon sa aktor-politiko, nakahanda siyang harapin ang kaso. Ni sa hinagap ay wala siyang planong takasan ito either by not showing up or leaving the country.

Sa kanyang panig though ay hindi maiaalis ang tanong kung bakit ang sangkot ding si dating Budget Sec. Butch Abad ay hindi rin nakukulong tulad ng tatlong senador?

Dahil daw ba ‘yon sa patuloy itong kinakanlong ni dating Pangulong Noynoy Aquino? Ito rin ang tanong-sagot ng dekano ng College of Law ng San Beda College. Bakit daw “scot-free” si Abad.

Buwelta nito, bakit inuusig pa rin daw hanggang ngayon si Bong?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending