Daniel payag maging alalay ni Kathryn sa shooting; gustong maging 'psycho killer' | Bandera

Daniel payag maging alalay ni Kathryn sa shooting; gustong maging ‘psycho killer’

Julie Bonifacio |September 04,2018
facebook
share this

Daniel payag maging alalay ni Kathryn sa shooting; gustong maging ‘psycho killer’

Julie Bonifacio - September 04, 2018 - 12:01 AM


MAHIGIT isang daang milyong piso na ang kinita ng movie ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na “The Hows Of Us” sa takilya. Hindi kami magtataka kung magse-set ulit ng bagong box-office record ang KathNiel movie sa buong run nito sa mga sinehan.

Dapat talagang sulitin ng KathNiel fans ang pagsuporta sa “The Hows Of Us” dahil we heard wala munang gagawing bagong project na magkasama ang kanilang mga idolo.

Say nga ni Daniel sa amin sa late-dinner cast-party ng “The Hows Of Us”, magpi-PA (production assistant) muna siya kay Kathryn sa movie na gagawin niya with Sharon Cuneta and Richard Gomez.

“Sa serye baka medyo mataga-tagal pa po. Movie muna tayo. Movie-movie,” sabi pa ni Daniel.
Tinanong namin ang binata kung hindi ba siya nanghihinayang na hindi siya nahintay ng kanyang Tito Robin Padilla para sa Marawi movie nila ni Piolo Pascual.

“Ah, wala. Hindi na ako umabot dahil niyaya nila ako nu’ng last time kaso nagsu-shoot din ako para dito (THOU). E, ano pa ‘yun, ang alam ko lock-in pa sila. So, hindi ko kinaya. Pero marami pa naman kaming gagawin ni Tito Robin. Ako naman after nito naghahanap nga ako ng magandang script, and then, rock and roll ulit, yes!” kuwento ni DJ.

Gusto raw ulit gumawa ni Daniel ng action movie. Wala rin daw problema sa kanya kung may magandang script for an indie film. Ang importante raw maganda ang istorya. At ready din siyang gumawa ng out-of-the-box type of film.

Feel ni Daniel ng gumawa ng isang psycho-thriller movie. Siya ang gaganap na killer. But it still depends on the script na i-offer daw sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending