Overweight ka ba o obese? | Bandera

Overweight ka ba o obese?

Leifbilly Begas - September 03, 2018 - 08:00 AM


HINDI dahil payat ang tingin mo sa sarili, ibig sabihin ay hindi ka overweight. O baka obese ka pa nga.
Ayon sa World Health Organization, patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong obese sa mundo.

Noong 2016, umabot sa 1.9 bilyon na edad 18 pataas ang overweight at 650 milyon naman ang obese.

Umaabot naman sa 41 milyong bata na wala pang limang taong gulang ang overweight o obese. Umaabot naman sa 340 milyon na edad lima hanggang 19 ang overweight o obese.

At mas maraming overweight at obese ang namamatay kumpara sa mga underweight. Mas marami rin ang bilang ng mga obese kaysa sa underweight.

Malalaman mo na ikaw ay overweight o obese sa pamamagitan ng body mass index (BMI). Ito ay komputasyon ng timbang at tangkad ng isang tao gamit ang formula na kg/m2.

Maituturing na overweight ang isang tao kung ang kanyang BMI ay 25 o lagpas dito. Obese naman kung ang BMI ay mahigit sa 30.

Sanhi

Ang sanhi ng pagiging overweight at obese ay ang hindi pagbalanse ng calories mula sa kinakain at calories na sinusunog o nagagamit ng katawan.

Isa sa isinisisi rito ay ang mga pagkain na mataas ang fat content at kakulangan ng physical activity ng isang tao upang sunugin o magamit ang enerhiya mula sa kanyang kinain.

Dala ito ng pagbabago sa lipunan katulad ng mas maayos na transportasyon, pagproseso ng pagkain at magaang trabaho dahil sa teknolohiya.

Madalas na ipayo ng mga doktor ang pagbabago ng lifestyle para makawala sa pagiging overweight at obese.

Sakit

Ang mga taong obese o overweight ay malapit sa cardiovascular diseases gaya ng heart problem at stroke.

Maaari rin silang magkaroon ng diabetes, musculoskeletal disorders gaya ng osteoarthritis.

Posible rin itong maging sanhi ng kanser gaya ng endometrial, breast, ovarian, prostate, liver, gallbladder, kidney, at colon.

Ang mga bata naman na obese ay may mataas na tyansa na mahirapan sa paghinga, hypertension, cardiovascular disease, insulin resistance at psychological effects.

Malimit na ang may malaking populasyon ng obese at overweight ang mga tao sa low at middle income countries dahil ang malimit na pagkain dito ay high-fat, high-sugar, high-salt, energy-dense, at micronutrient-poor foods, na mura pero kulang sa sustansya.

Paano iiwas?

Upang hindi maging obese o overweight, maaaring bawasan ang pagkain ng matataba at matamis na pagkain.

Maaari ring damihan ang pagkain ng mga prutas at gulay.

Dagdagan ang mga physical activities gaya ng pag-eehersisyo o paglalaro sa labas ng bahay.

Maganda kung mababago ang lifestyle para maging healthy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May magagawa rin ang gobyerno upang mabawasan ang overweight at obesity sa bansa gaya ng pagtataas ng buwis sa mga pagkain na mataas ang fats at sugar upang mas konting produkto ang mabili ng publiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending