Coco wala pang desisyon kung kukunin si Mystica sa Probinsyano | Bandera

Coco wala pang desisyon kung kukunin si Mystica sa Probinsyano

Reggee Bonoan |September 03,2018
facebook
share this

Coco wala pang desisyon kung kukunin si Mystica sa Probinsyano

Reggee Bonoan - September 03, 2018 - 12:20 AM


Sa takbo ng kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyano ay tila nabibilang na ang araw ni Rowell Santiago sa karakter niya bilang si Oscar Hidalgo, ang Presidente ng Pilipinas.

Pinagpaplanuhan na kasi siyang patayin ni Edu Manzano, ang bise presidente niyang si Lucas Cabrera, dahil hindi nito pinagbigyan na mabigyan ng presidential pardon ang anak nitong hinatulan ng guilty na si Mark Anthony Fernandez bilang si Cong. Brandon Cabrera.

Sinabi ni Edu ang plano niyang patayin ang presidente sa kapwa niya takam na takam din sa posisyon na si John Arcilla bilang si Renato Hipolito na walang hawak na posisyon ngayon.

Pero iba ang plano naman ni John dahil una muna niyang papatayin si Edu kasunod si Rowell.

Nakakaramdam na kasi si Rowell na magkasabwat sina Edu at John kaya nagmamatigas na siya ngayon.

Sa kabilang banda ay planong dukutin ng mga Vendetta sa pangunguna ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang presidente para ipaalam kung sino ang tunay na kaaway ng lipunan.

Nakapasok na sa Malakanyang ang grupong Vendetta at ngayong Lunes malalaman kung tuluyang makikidnap si Rowell at anong mangyayari sa pamilya nitong maiiwan.

Samantala, nagkasundo-sundo na ang Vendetta at mga karakter nina John Prats at Marc Solis kaya masaya na ulit si Cardo at makakatulong pa nila sa kanilang mga pakay laban sa grupo nina Edu, John at Jhong Hilario bilang si Alakdan.

Hindi pa rin natitinag ang FPJ’s Ang Probinsyano pagdating sa ratings game dahil napapanatili pa rin nito ang 40% plus audience share.

Anyway, nagtanong kami sa ilang taga-ABS-CBN kung may plano bang kunin ni Coco ang dating sexy singer na si Mystica matapos itong ma-nawagan on national TV na sana’y kunin din siyang guest sa aksyon serye bilang tulong na rin sa kanyang kabuhayan pero ang sagot sa amin ay, “Wala pa pong balita.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending