‘Pagkain ng binukbok na bigas nakakahiya’
HINDI dapat na ipagmalaki ni Agriculture Sec. Manny Piñol ang pagkain niya ng kanin na may bukbok.
Ayon sa Gabriela partylist, nakakahiya para sa bansa ang ginawa ni Piñol lalo at isang agrikultural na bansa ang Pilipinas.
“Nakakahiya para sa isang bansang agrikultu-ral ang sapilitang pagpapakain ng gobyerno sa mamamayan ng pagkaing luma at nabubulok,” saad ng Gabriela.
Hindi rin umano masosolusyunan ng pagkain ni Piñol ng bigas na may bukbok ang problema.
Itinuturing pa ng Gabriela na pagtatakip sa tunay na problema ng bansa ang ginawa ng kalihim.
“Pinagtatakpan nito ang kawalang suporta ng gubyerno sa lokal na agrikultura,” saad ng partylist group.
“Pinatutunayan lamang nito na walang balak hanapan ng konkretong lunas ng administrasyon ang isyu sa rice shortage at food security.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.