Kathryn sa mga fans: Sila ang nagpatunay na tama po ang mga ginawa namin ni DJ! | Bandera

Kathryn sa mga fans: Sila ang nagpatunay na tama po ang mga ginawa namin ni DJ!

Cristy Fermin |September 02,2018
facebook
share this

Kathryn sa mga fans: Sila ang nagpatunay na tama po ang mga ginawa namin ni DJ!

Cristy Fermin - September 02, 2018 - 12:05 AM


LUSOT na lusot sa takilya ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sa ikalawang araw pa lang ay lampas na sa 70 million ang itinala nilang pigura, kaya napakaligaya ngayon ng magka-loveteam sa harap at likod ng mga camera.

Mismong ang Star Cinema ang nagpapatunay na wala pa silang ginawang pelikula na naging malagihay sa box-office, palaging panalo ang kanilang mga proyekto, malawak na talaga ang fan base ng KathNiel.

Bukod sa pinipilahan sa takilya ang kanilang pelikulang “The Hows Of Us” ay dagdag na kasiyahan para kina DJ at Kath ang magagandang reviews na tinatanggap nila.

Sabi nga ng magandang dalaga, “‘Yung malaman lang po naming sinusuportahan ng moviegoers ang movie namin ni DJ, e, napakasarap na. Pero ‘yung mga nababasa naming reviews, iba po ang dating nu’n sa amin, maraming salamat dahil nagkaroon ng positive result ang mga pagsisikap naming maging maganda ang movie.

“Ang sarap-sarap pong basahin ng mga review, parang sila ang nagpatunay na tama ang mga ginawa namin ni DJ, hindi po namin alam kung paano namin sila mapasasalamatan,” sinserong pahayag ni Kathryn.

At kapag ganyang matagumpay ang ginagawa nilang pelikula ay kakambal na nu’n ang personal nilang buhay.

Mas kakampi nila ang panahon, binibiyayaan sila ng magagandang oportunidad ng kapalaran, kaya lalo pa nilang ipinararamdam ang pagmamahal sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending