Full alert itinaas sa Mindanao, heightened alert sa MM matapos ang pambobomba sa Sultan Kudarat | Bandera

Full alert itinaas sa Mindanao, heightened alert sa MM matapos ang pambobomba sa Sultan Kudarat

- August 29, 2018 - 05:21 PM

ISINAILALIM ng Philippine National Police (PNP) ang buong Mindanao sa full alert status at heightened alert status naman sa Metro Manila matapos ang pambobomba sa Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa at pagkasugat ng ilang dosenang iba pa.

“Effective this morning, I directed all the regional directors ng (of the) regional area to declare a full alert status already… Dito sa Metro Manila (Here in Metro Manila), we will be on heightened alert,” sabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

“Eto ‘yung tugon hangga’t hindi matapos yung Martial Law doon .… We will maintain full alert status in Mindanao,” dagdag ni Albayalde.

Sa ilalim ng full alert status, bawal mag-leave at mag-day-off ang mga pulis, at daragdagan din ang mga checkpoint.

Tiniyak ni Albayalde na sapat ang mga tropa ng gobyerno sa Mindanao, sa pakikipag-ugnayan sa Special Action Force at Armed Forces of the Philippines.

Sinabi pa ni Albayalde na nakakatanggap ng mga bomb threat at mga lokal na otoridad, bagamat hindi naman tukoy kung saan ito isasagawa.

Ani Albayalde patuloy ang isinagasagawang imbestigasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending